Nananatiling handa ang pamahalaan para sa magiging pinal na aksyon ng Timor-Leste kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Congressman Arnulfo Teves.
Ayon sa Department of Justice, matagal nang handa ang bansa sa extradition ni Teves.
Nauna nang kinumpirma na nananatili pa rin sa kustodiya ng Timor-Leste Immigration Office ang dating mambabatas.
Kaugnay nito, inaalam pa ang mga susunod na hakbang ng nasabing bansa kung ipade-deport bilang undocumented foreigner si Teves o ma-extradite alinsunod sa nakabinbing kahilingan.
Kumpiyansa naman ang pamahalaan na handa itong tumanggap ng kustodiya kay Teves sa lalong madaling panahon at determinado rin itong itaguyod ang hustisya sa ilalim ng batas at internasyonal na kooperasyon.