Naglaan ng mahigit P55.7-M na halaga ng mga suplay ang Department of Health (DOH) para sa mga rehiyong apektado ng pananalasa ng Tropical Depression Agaton.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga nasabing suplay ay binubuo ng mga gamot, health kits, personal Protective Equipment (PPEs), at iba pang mga medical at COVID-19 supplies na ipamamahagi sa Regions 5, 6, 8, at 10.
Siniguro ni Vergeire na agad na matutugunan ng kagawaran ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton. —sa panulat ni Angelica Doctolero