Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nito ini-endorse ang paggamit ng ‘necklace air purifiers’ na umano’y makatutulong sa pag-iwas sa banta ng COVID-19.
Ayon sa kagawaran, hindi nila iniiendorso ang paggamit ng naturang ‘necklace air purifiers’ taliwas sa sinabi ng isang pahayagan.
Paliwanag ng DOH, bagamat hindi masama ang paggamit ng naturang air purifiers, wala pa anilang lumalabas na pag-aaral hinggil sa bisa nito laban sa virus.
Ibig sabihin, hindi pa rin makapapalit sa bisa ng pagsusuot ng face mask at face shield na panlaban sa COVID-19.
Samantala, iginiit NG DOH, na dapat sumunod ang publiko sa abiso at bilin ng mga kagawarang may kinalaman sa kalusugan gaya ng DOH at World Health Organization (WHO).