May intensiyon ang China na sakupin ang iba pang parte ng West Philippine Sea.
Ito ang ibinabala ni Department of National Defense o DND Secretary Delfin Lorenzana bunsod ng aniya’y presensya ng maraming Chinese maritime militia ships sa nasabing teritoryo.
Matatandaang iginiit ng Chinese Embassy na kaya nananatili ang kanilang mga barko sa Julian Felipe Reef o Niu’e Jiao ay dahil bahagi ito ng inaangkin nilang Nansha Islands.
Binigyang diin naman ni Lorenzana na ang katulad na aksyon ay ginawa na rin ng China sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc at Panganiban Reef na aniya’y paglabag sa soberenya ng Pilipinas.