Sinimulan na ng Bureau of Customs (BOC) ang distribusyon ng mga hindi nabayaran at abandonadong balikbayan boxes ng mga overseas Filipino workers.
Ito’y makaraang mabigo ang local de-consolidators na mai-deliver sa mga recipients.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, isinasagawa ang mabilisang pamamahagi ng abandoned boxes sa tulong na rin ng Manila International Container Port (MICP) at ilang grupo.