Nakikipagpulong na ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sa Metro Manila Mayors para tugunan ang housing backlog na nasa higit 6.5-M.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, majority ng 3.7- M informal settler families sa bansa ay nasa NCR.
Sa nasabing bilang, 500 thousand umano ang hindi maganda ang kondisyon habang nasa slum area, riles ng tren, tabi ng ilog, estero, at iba pang high risk na lugar.
Samantala, magpapatuloy ang pakikipag-usap ng DHSUD sa mga nasabing alkalde sa mga susunod na araw para tuluyang tuldukan ang mga problema sa housing sector.