Umakyat sa sa 14,896 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nasa labas ng bansa matapos makapagtala ng 18 bagong kaso ngayong Sabado, Pebrero 27 ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Habang 9,379 mula sa bilang na ito ay gumaling na at 4,499 naman ang patuloy pang nagpapagaling.
Samantala, nakapagtala naman ng dalawang nasawi ngayong araw ang DFA at pumalo na sa 1,018 ang kabuuang bilang ng lahat ng namatay dulot ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco