Idinepensa ng Commission on Elections o COMELEC ang pasya nitong i-consolidate o pag-isahin na lamang ang tatlong disqualification cases laban kay presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay COMELEC Chairman Juan Andres Bautista, kaya nagdesisyon ang First Division na pagsamahin ang mga petisyon ay dahil naka-base lamang ito sa iisang ground o basehan.
Kabilang sa mga petitioners sina broadcaster Ruben Castor, UP student John Paulo Delas Nieves, at nuisance presidential candidate Rizalito David.
Giit ng mga ito, hindi maituturing na kandidato si Duterte dahil invalid ang certificate of candidacy o COC ni Martin Diño.
Itinakda na ng COMELEC ang pagdinig sa naturang petisyon sa Enero 12.
By Jelbert Perdez