Posibleng magpatupad ng deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia.
Ito ang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) makaraang hindi nababayaran ang claims ng mahigit 10K Pinoy workers.
Partikular na ang mga OFW’s na hindi pinasahod ng kanilang employers sa loob ng isa hanggang dalawang taon.
Ayon sa DOLE, mahigit apat na taon ng kailangang bayaran ang mga OFW’s ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakatatanggap ng kompensasyon ang mga ito.
Samantala, mismong si Labor Sec. Silvestre bello III, ang magrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng deployment ban sa Saudi Arabia.