Nagbabala ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa publiko laban sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng ahensya para makapanghingi ng donasyon.
Sa pahayag ng ahensya, nabatid nito na may ilang gumagamit ng pangalan ng central office nito at tanggap ng kalihim para makapag-solicit o makalikom ng pinansyal na donasyon sa ilang indibidwal o organisasyon.
Pagdidiin ng DepEd, wala itong pinahihintulutang gumamit ng pangalan ng ahensya o sinuman sa ahensya para mangalap ng donasyon o anumang tulong.
Dahil dito, nanawagan ang DepEd sa publiko na magreport sa kanilang tanggapan o mga official email accounts kung may mararanasang kahalintulad na transaksyon.