Sugatan ang tatlong residente ng Maragondon, Cavite matapos pagbabarilin ng mga pulis sa kalagitnaan ng demolisyon sa Patungan Cove, Barangay Sta. Mercedes.
Ayon kay Charm Maranan, Tagapagsalita ng Defend Southern Tagalog, tinamaan sa bandang tiyan ang mga hindi pinangalanang biktima dahil sa pagpigil sa demolisyon sa kanilang mga bahay sa tabing-dagat.
Iginiit naman ng Cavite Provincial Police na sumusunod lamang sila sa utos upang ma-kontrol ang sitwasyon.
Ang nasabing lugar ay planong pagtayuan ng hotel at resort ng Manila Southcoast Development Corporation, na pag-aari ni yumaong Business Tycoon Henry Sy. —sa panulat ni Mara Valle