Naglatag ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) ng competency-based merit selection plan para paigtingin ang kanilang recruitment process at dagdagan ang mga dekalidad na mga tauhan.
Layon nito na masiguro na ang organisasyon at mga kawani ay kayang tumugon sa hamon at oportunidad sa 21st century na nakatuon sa paghahatid ng may kalidad, accessible, relevant at libreng basic education.
Tiniyak naman ni education secretary Leonor Briones na sa nabanggit na polisiya ay makakakuha ng tamang empleyado ang kagawaran para mapabuti pa ang human resource policies para magkaroon ng mas mabuting serbisyo sa mga mag-aaral at stakeholder.