Hinikayat ng Davao City LGUs ang mga residente na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask sa mga Public Utility Vehicle (PUVs).
Ayon kay Dr. Michelle Schlosser, spokesperson ng COVID-19 Task Force ng lungsod, dapat mapanatili ang pagsusuot ng face mask partikular na sa mga buntis, may mga karamdaman, mga wala pang bakuna, at mga may sintomas ng nakakahawang sakit lalo na ang mga nasa high risk area.
Iginiit ng pamahalaang lokal ng lalawigan na mas maluwag na ngayon ang pagpapatupad ng health protocols kaya kailangan ng dobleng pag-iingat lalo na kung gagamit ng pampublikong transportasyon at papasok sa mga medical health facilities.
Mas mataas kasi umano ang tiyansa na mahawaan ng sakit ang isang indibidwal lalo na ang mga senior citizen kaya’t patuloy paring hinihikayat ang mga residente na magpabakuna bilang proteksiyon laban sa COVID-19.