Natagpuan ang bangkay ng magkapatid na pinagbabaril sa isang sapa sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte.
Batay sa imbestigasyon, nagtungo umano ang mga biktima sa naturang sapa para ayusin ang water pump.
Ayon sa hepe ng Vintar Police na si Police Major Reginaldo Dalipias, may dalawang testigo sa pamamaril kaya agad na nakilala ang suspek na kapit-bahay umano ng mga biktima na dating nakulong ng 30 taon sa kasong arson, robbery at robbery with homicide.
Usaping right-of-way ang motibo ng suspek ayon sa mga otoridad dahil matagal ng may alitan ang mga ito sa bahay ng mga biktima na nasa tabi ng kalsada at ang bahay ng suspek na nasa likod, ang dating dinadaanan na bahagi ng lupa ng biktima ay ipinagbawal kung saan wala nang daanan ang suspek papuntang kalsada.
Samantala, sinampahan na ng mga otoridad ang suspek ng 2 counts of murder. —sa panulat ni Airiam Sancho