Patay sa pamamaril ang dating Bise Alkalde ng bayan ng Apalit sa lalawigan ng Pampanga na si Alex Manlapaz
Batay sa ulat ng Apalit PNP, dalawang lalaki umano ang nagpanggap na customer ni Manlapaz sa resort na kaniyang pagmamay-ari sa barangay San Juan sa nasabing bayan
Walang sabi-sabing pinagbabaril ng dalawang suspek ang biktima nang magkasalubong ang mga ito pagpasok pa lamang sa masa Royale Resort
Dead on the spot ang biktima habang mabilis namang tumakas ang mga salarin na kasalukuyang tinutugis ngayon ng pulisya
By: Jaymark Dagala / Diony Gole