Hiniling ni dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos sa Sandiganbayan na ibasura ang kanyang kasong graft kaugnay ng maanomalyang National Broadband Network Deal.
Naghain ng Demurrer of Evidence si Abalos makaraang payagan ito ng Sandiganbayan na magsumite ng anumang legal remedy na maglalayong ibasura ang mga ebidensya ng prosekusyon laban sa kanya.
Sa Demurrer of Evidence ni Abalos, sinabi niyang hindi napatunayan ng prosekusyon na ginamit ng dating COMELEC Chairman ang kanyang impluwensya upang mapabilis ang pag-apruba sa nasabing Broadband Project sa kabila ng pagiging dehado rito ng gobyerno.
Matatandaang kapwa-akusado ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo si Abalos kaugnay ng naunsyaming Broadband Project.
By: Avee Devierte