Tinukoy ng Department of Social Welfare and Development ang mga posibleng dahilan kung bakit lumobo ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom.
Binigyang-diin ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na ang kagutuman at kahirapan sa bansa ay maaaring dulot ng inflation at pagkakaroon ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon.
Dahil dito, tiniyak ni Asec. Dumlao na inihahanda na nila ang mga komprehensibong hakbang upang matugunan ang nasabing usapin.
Kasabay nito, sinabi ng DSWD Official na mas pinaiigting na nila ang mga kasalukuyang programa ng pamahalaan tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Nabatid na batay sa pinakahuling survey ng social weather stations, pumalo sa 35.6% ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom nitong nakaraang buwan, mas mataas ito kumpara sa 26.4% na naitala noong Pebrero.—sa panulat ni John Riz Calata