Alam naman nating lahat na nakaka-badtrip ang mapagbintangan sa kasalanan na hindi naman natin ginawa. Pero paano pa kung hindi ka lang basta-bastang napagbintangan, kundi nahuli rin? Ganyan ang sinapit ng isang lalaki nang dahil lang sa maling pagkaka-spell sa kaniyang pangalan.
Kung nakalaya ba ang lalaki, eto.
Taong 2023 nang makatanggap ng tawag ang mga pulis ng tawag mula sa isang boat owner na mayroon daw nagtatangkang magnakaw sa kaniyang bangka.
Sa kaparehong oras ay tumawag din sa mga pulis ang inaakusahan dahil natatakot daw ito sa ikinikilos ng boat owner.
Dahil dito ay nalito ang phone dispatcher at naisulat ang pangalan ng akusado bilang Mark with a ‘K’, sa halip na Marc with a ‘C’.
Nang imbestigahan ng mga pulis ang insidente, hindi na nila nagawang suriin pa ang personal information ng akusado at napag-alaman na mayroon itong public transportation smartrider o ‘yong card na ginagamit para sa cashless payment na hindi naman niya pag-aari.
Inaretso ng mga pulis ang nasabing lalaki dahil sa umano’y pagnanakaw ng boat at smartrider card.
Nagtagal ng isang gabi ang lalaki sa kulungan bago napatunayan na wala siyang kinalaman sa insidente at tuluyang pinalaya.
Sa kasamaang palad muling naaresto ang lalaki pagkalipas lang ng ilang buwan dahil nakita ng mga pulis ang litrato niya na nakadikit sa arrest warrant ng kaniyang tukayo.
Muling pinalaya ang lalaki matapos niyang sabihin na dati na rin siyang naaresto nang wala naman siyang kasalanan.
Sa huli, nagsagawa ng complaint ang Western Australian Corruption and Crime Commission laban sa mga naging aksyon ng WA Police na siya namang umamin sa naging kasalanan nila at sinabing tatlo sa mga pulis nito ang nakatanggap ng sustained managerial outcomes o parusa.
Ikaw, anong aksyon ang gagawin mo kung ikaw ang maakusahan sa kasalanan na hindi mo naman ginawa?