Isang linggo pa ang inihirit ng Department of Health upang pag-aralan kung dapat na bang ipatigil ang pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagaman suportado nila ang panawagang alisin na ang Face Shield Policy, lalo sa mga lugar na may mababang kaso, kailangan pa rin ng ebidensya.
Sa oras anya na matapos ang pag-aaral ay magkakaroon ng rekomendasyon para sa face shield.
Nilinaw ni Vergeire na siyensya pa rin ang pagbabatayan ng DOH at Inter-Agency Task Force kung ano ang kahihinatnan ng nasabing polisiya. —sa panulat ni Drew Nacino