Nangangamba ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa planong dagdag-buwis na inihihirit ng Department of Finance sa papasok na administrasyon para mabayaran ang utang ng gobyerno.
ayon kay KMU secretary-general Jerome Adonis, ito’y dahil ang anumang pagpataw ng tax ay nangangahulugang bawas sa sweldo ng mga manggagawa.
ilang manggagawa na rin ang umalma sa panukala at nagsabing dapat tutukan ang pagbubuwis sa mga mayayaman.
Matatandaan na inihihirit ang pagtaas ng binabayarang buwis sa ilang produkto para makalikom ng pondong pambayad sa 12.6 trillion pesos na utang ng pamahalaan.