Sumampa na sa mahigit isang milyon o 1,006,428 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang 8, 929 na mga bagong kaso ng virus.
Dahil sa mga bagong kaso ng COVID-19 ipinabatid ng DOH na naitala sa 74, 623 ang active cases kung saan 95. 4% ang mild, 1.4% ang asymptomatic, 1.3% ang severe at 1% ang critical condition.
Samantala, patuloy naman ang pag akyat ng bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 na ngayo’y nasa 914, 952 na matapos madagdag ang 11,333 na mga bagong gumaling sa naturang virus.
Sumirit naman sa 16,853 ang total deaths nang madagdag ang pitumpung bagong nasawi sa COVID-19.
Una nang inihayag ng OCTA research group ang pagkakaroon ng mahigit isang milyong kaso ng COVID-19 bago matapos ang buwang ito dahil sa patuloy na pagsipa pa ng mga apektado ng impeksyon.