Iginiit ng DepEd o Department of Education ang masusing pag-aaral sa plano ng Department of Health (DOH) na mamahagi ng condom sa mga paaralan sa susunod na taon.
Ayon sa DepEd, magkakasa pa sila ng isang malalim at maingat na talakayan hinggil sa usapin para na rin matimbang kung mahalaga ba talagang mamahagi ng condom para mapigilan ang pagdami ng kaso ng HIV-AIDS sa mga batang Pilipino.
Binigyang diin ng DepEd na dapat matutukan kung makatuwiran ang hakbang para hindi makumpromiso ang reponsibilidad ng mga magulang sa pagtuturo ng sex education sa kanilang mga anak.
By Judith Larino
Photo Credit: AP