Tiniyak ng Commission on Elections na aabot ito sa itinakdang deadline sa pag iimprenta ng halos 57 milyong balota para sa May 9 elections
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tiwala siyang kakayanin ng National Printing Office ang April 25 deadline kahit pa naantala ang ballot printing dahil sa verification ng mga balota.
Halos dinoble na aniya nila ang 150 tauhan nila para mapabilis ang pag verify sa mga balota na layong masigurong tatanggapin ito ng makina o vote counting machine.
By: Judith Larino