Target ng Commission on Elections (COMELEC) na bumili ng mga karagdagang vote counting machines (VCM) na siyang gagamitin para sa 2022 national at local elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ito ay para mapaluwag ang mga voting precinct sa mismong araw ng halalan lalo’t nakararanas pa rin ang bansa ng bangis ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Paliwanag ni Guanzon, ang dating 1,000 botante kada presinto na naitatala sa tuwing araw ng halalan ay magiging 700 na lamang kung madaragdagan ang mga vote counting machine.
Kasunod nito, nagpahayag din ng suporta si Guanzon sa isinusulong na panukala sa kamara na payagan na ang mga nakatatanda o senior citizen gayundin ang mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) na makaboto ng mas maaga sa itinakdang arwa ng halalan.