Siniguro ng Commission on Elections na hindi sila nakompromiso kasunod ng pagkakaaresto sa sinasabing chinese spy malapit sa kanilang tanggapan.
Tiniyak mismo ni COMELEC Chariman George Erwin Garcia na walang dapat ikabahala sa pangyayari dahil wala silang election data sa main office.
Aniya pa, nagsagawa ang poll body ng pagsusuri, kung saan wala namang lumabas na anomalyang nangyari sa kanilang sistema.
Magugunitang nagpahayag ng pagkabahala ang national bureau of investifation kamakailan lamang hinggil sa pagkakahuli sa dayuhan, ilang linggo bago ang midterm elections 2025.
Siniguro naman ng nbi na patuloy silang makikipag-ugnayan sa COMELEC sakaling may matuklasan pa sa isinasagawang imbestigasyon.—sa panulat ni Jasper Barleta