Magsasagawa ng “online voting experiment” ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa pamamagitan nito ay malalaman kung uubra ang digital polling scheme para mahimok ang mga botante sa ibayong dagat na lumahok sa eleksiyon.
Sinabi ni Jimenez na naghahanap pa lamang sila ng mga puwedeng sumali sa online voting dry run na idaraos sa Marso o Abril.
Magugunitang sa 1.65 million registered overseas Filipino voters, tatlong daang libo lamang ang bumoto noong 2019 midterm elections.