Pumapalo na sa 1,720 ang mga naaresto ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa gun ban kaugnay sa May 2022 elections.
Sa nasabing bilang nasa mahigit 1,000 rito ang sibilyan, 27 ang security personnel, 15 ang miyembro ng PNP, siyam na Armed Forces of the Philippines (AFP) at 16 na iba pa.
Batay sa datos ng PNP, nakumpiska sa nabanggit na operasyon ang 1,348 firearms; 632 deadly weapon, at mahigit 7,516 na bala.
Ang Metro Manila naman ang may pinakamaraming bilang ng naaresto na sinundan region 4A, Region 7, Region 3 at Region 6.