Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang umano’y pagkukulang ng health department sa pamamahala nito ng mahigit 67.3 billion pesos sa pagtugon sa COVID-19 crisis nitong nakaraang taon.
Ayon sa COA, ang pagkukulang na ito ay nakadagdag sa mga hamon para sa COVID-19 response at naging sanhi pa ng pagdududa kung nagamit ng tama ang naturang pondo.
Pinunto rin ng COA ang nagiging problema ng kagawaran sa mga expired at ma-e-expire na gamot.
Sinabi ng COA na ito’y dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng procurement, distribution at monitoring .
Samantala, iginiit ni health secretary Francisco Duque III na hindi kinurakot ang naturang pondo ng DOH.