Posibleng nasa very low-risk classification na lamang sa COVID-19 transmission ang Metro Manila pagdating ng Marso.
Batay sa projection ng OCTA research group, posibleng bumaba sa 200 ang new COVID-19 cases sa pagtatapos ng buwan mula sa kasalukuyang average na 600 new infections kada araw.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang magic number upang maabot ang very low risk classification ay 140 new cases kada araw, na maaaring maabot sa susunod na buwan.
December 2021 nang mailagay ang rehiyon sa very low risk classification bago sumirit ang mga kaso sa bansa bunsod ng mas nakahahawang Omicron variant.
Samantala, bumaba naman ang COVID-19 reproduction rate sa NCR sa 0.23 habang ang average daily attack rate naman ay nasa 6.55 sa kada 100,000 na populasyon at naitala rin ang positivity rate na 8.8%.
Nasa 28.6% naman ang healthcare utilization rate habang ang ICU utilization rate ay bumaba sa 30.8%.