Umabot na sa mahigit 1,100 sibilyan ang nasawi sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Kinumpirma ng United Nations Human Rights Office na halos isanlibo walundaan naman ang nasugatan simula nang maglunsad ng pag-atake ang Russian Armed Forces.
Karamihan sa mga namatay at nasugatang sibilyan ay binagsakan ng mga bomba, missile o naipit sa barilan ng mga sundalong Ukrainian at Russo, partikular sa mga lungsod ng Mariupol at Kharkiv.
Gayunman, aminado ang naturang UN Body na maaaring mas mataas pa ang aktuwal na bilang lalo’t hindi pa kumpleto ang datos hinggil sa bilang ng casualties.
Samantala, tinatayang tatlo punto walong milyong katao na ang nagsilikas at tumawid sa mga karatig bansa simula pa noong Pebrero 24.