Sinimulan nang i-pull out ng China ang kanilang mga militia vessels na namataan malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo, umaabot sa 100 mga bangka ng China ang nai-aalis na sa karagatang bahagi ng Pag-asa Island.
Batay na rin aniya ito sa ibinigay na impormasyon ng isang emisaryo ng gobyerno ng China kung saan hinahatak umano ng mas malalaki nilang barko ang maliliit na bangkang pangisda para unti-unting matanggal sa bahagi ng Pag-asa Island.
Sinabi ni Tulfo, bahagi ito ng paunang hakbang ng China para makuha aniya ang tiwala ng pamahalaan ng Pilipinas at ipabatid ang pakikipagkaibigan kay Pangulong Rodrigo Duterte.