Pinataob ng defending champion na Cleveland Cavaliers ang Orlando Magic sa nagpapatuloy na tapatan ng mga koponan sa pre-season games ng NBA.
Nagtapos ang banggaan ng dalawang koponan sa iskor na 117-102 pabor sa Cavs.
Nangibabaw ng Cavs sa kabila ng 13 minuto lamang na paglalaro ni 4-time MVP Lebron James.
Ayon kay Cavs Coach Tyronn Lue, layon nitong hindi gaano mapagod si Lebron sa kanilang pre-season game at maging 100 percent na nasa kondisyon pagsapit ng mismong NBA season.
By Ralph Obina
Photo Credit: nba.com