Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang India sa FIBA World Cup Qulifiers for Asia na gaganapin ngayong araw sa MOA Arena.
Matatandaang noong buwan ng Pebrero, tinalo ng Pilipinas ang India sa iskor na 88-64 sa second window na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) Deputy Executive Director Butch Antonio, na maglalaro ang Gilas ng two-game friendly sa Korean national squad sa anyang sa Hunyo a-17 at a-18 para sa ikatlong window.
Sinabi ni Antonio pagkatapos ng ikatlong window, maglalaro ang Gilas sa FIBA Asia Cup sa Jakarta sa Hulyo a12 hanggang a-24.
Kabilang sa mga manlalarong lalahok sa nasabing kompetisyon ay sina Dwight Ramos at James Spencer habang inimbitahan din ang mga collegiate players na sina Rhenz Abando, Carl Tamayo, Ange Kouame, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Dave Ildefonso, Kevin Quiambao, Sherwin Concepcion, Justine Baltazar, Thirdy Ravena, William Navarro at Francis Lopez.