Category
SPORTS
Pormal nang nagsimula ang light training ni Senador Manny Pacquiao para sa nakatakdang laban kay Australian Boxer Jeff Horn.
Ipinabatid ni Nonoy Neri, conditioning coach ni Pacman na isang oras tumagal ang panimulang training ng Pambansang Kamao.
Kahapon ng umaga ay nag-jogging si Pacman sa Forbes Park sa Makati City habang bandang hapon naman ay bumalik ito sa gym para sa basic training tulad ng punch mitts, punching bag, speed ball at iba pa.
Sinabi ng Team Pacquiao na habang nasa light training pa ay nakatutok pa sila sa jogging at ladder para muling makondisyon ang mga binti ni Pacman.
Inamin naman ni Neri na bahagyang nadagdagan ang timbang ng senador na dahilan kayat bumagal ang pagtakbo nito.
By Judith Larino
Pacquiao nagsimula nang sumalang sa light training was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882
Pasok na sa Western Conference Finals ng NBA ang Golden State Warriors.
Hindi pina-porma ng Warriors sa Semifinals ang Utah Jazz makaraang ipako ng Golden State sa 4-0 sa Game 4 ang kanilang panalo sa Best of Seven Series.
Tinambakan ng Golden State ang Utah sa score na 121-95 sa kabila ng homecourt advantage ng Jazz.
Pinangunahan ang Warriors ni Draymond Green na kumamada ng triple-double na 17 points, 10 rebounds at 11 assists habang nag-ambag ang splash brothers na sina Stephen Curry ng 30 points at Klay Thompson ng 21 points.
Susunod na makakasagupa ng Golden State ang mananalo sa bakbakang San Antonio Spurs at Houston Rockets.
By Drew Nacino
Golden State pasok na sa NBA Western Conference Finals was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882
Pinag-aaralan na kung saan umano uubrang gawin ang bakbakang Canelo Alvarez-Golovkin.
Ayon ito kay Oscar dela Hoya matapos siya aniyang tumanggap ng mga tawag mula sa ibat ibang bahagi ng bansa para isulong ang showdown nina Saul Canelo Alvarez at Gennady Golovkin.
Sinabi ni Dela Hoya na ang mga natanggap niyang tawag mula sa Dubai gayundin sa United Kingdom at iba pang bansa ay patunay na marami ang interesado sa sagupaan nina Alvarez at Golovkin sa boxing ring.
Kabilang sa posibleng venue sa Amerika para sa bakbakan sa September 16 ang Las Vegas at AT&T Stadium sa Dallas.
Nuong isang taon ay tinalo ni Alvarez si liam Smith ng Britain sa Texas venue kung saan nanOod ang mahigit limampung libo (50,000) katao.
By Judith Larino
Venue para sa Canelo-Golovkin fight pinag-aaralan na was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882
Golden State isang hakbang na lang sa pagbabalik sa NBA Western Conference Finals
written by DWIZ 882
Isang hakbang na lamang ang Golden State Warriors sa pagbabalik sa NBA Western Conference Finals.
Hawak na ng Warriors ang 3-0 lead sa Best of Seven Series ng Semi-Finals kontra Utah Jazz.
Inaasahang hahabol naman ang Jazz lalo’t gaganapin ang Game 4 sa kanilang homecourt sa Vivint Smart Home Arena sa Salt Lake City, bukas.
Gayunman, kailangang mag-doble kayod ang Utah upang maitabla sa 3-3 ang kartada.
Samantala, tabla na ang San Antonio Spurs at Houston Rockets sa kartadang 2-2 at muling maghaharap sa Game 3 ng Best of Seven sa Miyerkules sa balwarte naman ng Spurs sa AT and T Arena sa Texas.
By Drew Nacino
Golden State isang hakbang na lang sa pagbabalik sa NBA Western Conference Finals was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882
Pasok na sa Eastern Conference Finals ang defending NBA champion na Cleveland Cavaliers.
Ito ay matapos walisin at idispatsa ng Cavs ang Toronto Raptors sa Game 4 ng playoff series sa iskor na 109-102.
Kumamada si Lebron James ng tatlumpu’t limang (35) puntos, siyam (9) na rebounds at anim (6) na assists.
Sa Eastern Conference Finals, makakaharap ng Cavs ang koponan na mananalo sa pagitan ng Boston Celtics o Washington Wizards.
By Ralph Obina
Cleveland Cavaliers pasok na sa Eastern Conference Finals was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882
Ikalawang sunod na korona sa UAAP Women’s Volleyball nasungkit ng La Salle lady spikers
written by DWIZ 882
Nasungkit ng La Salle Lady Spikers ang kanilang ikalawang sunod na kampyonato sa season 79 ng University Athletic Association of the Philippines women’s volleyball.
Hindi na pina-porma ng La Salle ang kanilang arch-rival na Ateneo de Manila Lady Eagles upang maipako sa 2-0 ang kartada sa finals.
Pinataob ng lady spikers ang Ateneo sa score na 19-25, 25-14, 18-25, 25-18 at 15-10 sa game 2 ng finals sa Araneta Coliseum, kahapon.
Naging malaki naman ang papel nina Desiree Cheng at Kim Kianna Dy sa fourth set upang i-angat ang La Salle.
Dahil dito, tinanghal na finals most valuable player si Cheng.
Ito na ang ika-sampung korona ng Lady Spikers sa ilalim ng labinsyam na taon sa team ni coach Ramil de Jesus.
By Drew Nacino (Photo Courtesy: DLSU Official Facebook Page)
Ikalawang sunod na korona sa UAAP Women’s Volleyball nasungkit ng La Salle lady spikers was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882
Sinabayan ni Jinkee Pacquiao ang kanyang asawang si Manny sa light training nito sa Cambridge Circle sa Forbes Park Makati City.
Ito’y bilang paghahanda ni Pacquiao sa napipintong niyang laban kay Undefeated Australian Boxer Jeff Horn kung saan idedepensa ni Pacman ang kanyang world welterweight title.
Ayon kay Pacman, light workout pa lamang ang kanyang ginagawa ngayon para ihanda ang kanyang katawan sa matinding training sa Wild Card Gym.
Se-sentro ang training ni Pacman sa bilis at stamina nito na kakailnganin umano para labanan ang mas batang si Horn.
By Jonathan Andal
Photo Credit: Jinkee Pacquiao Instagram
Jinkee Pacquiao sinabayan sa training ang kanyang mister na si Pacman was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882
Isang panalo na lang ay pasok na sa susunod na round ng NBA Playoffs ang defending champion na Cleveland cavaliers.
Ito’y matapos padapain ng Cavs ang Toronto sa score na 115-94 sa Game 3 ng kanilang best-of-seven semifinals series sa mismong bakuran ng Raptors.
Sa unang quarter hanggang sa ikalawang quarter ay gitgitan ang mga score ng Cleveland at Raptors.
Gayunman, pagsapit ng ika-apat na quarter ay lumabas muli ang bangis ng Cavs sa pangunguna ni Lebron James na kumamada ng 35 points kaya’t napahiya ang Toronto sa kanilang home court.
By Jelbert Perdez
Cavs isang hakbang na lang para makapasok sa susunod na round ng NBA Playoffs was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882
Gumamit ng matinding depensa ang Phoenix laban sa Globalport kaya’t nasungkit nila ang 84-72 victory.
Dahil dito, nananatili silang nakakapit sa ika-walong puwesto sa PBA Commissioner’s Cup makaraan ang laro nila sa Araneta Coliseum.
Matapos malamangan ng ilang puntos sa opening quarter ay nakabawi ang Phoenix sa Globalport sa pangunguna ni Jameel McKay na kumamada ng 22 points at 20 rebounds.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: PBA Media Bureau
Globalport Batang Pier taob sa Phoenix Fuel Masters was last modified: May 6th, 2017 by DWIZ 882