Category
SPORTS
Napasakamay ng Gilas Pilipinas ang ikatlong panalo matapos tambakan ang koponan ng Malaysia sa pagpapatuloy ng SEABA Championship.
Mula pa lamang sa unang quarter ay lumamang na ang Gilas sa tropa ng Malaysia hanggang maitala sa 106-51 ang final score.
Nangungunang nagpakitang Gilas sa nasabing laban si Jayson Castro na gumawa ng sampung (10) puntos.
By Judith Larino
3rd win sa nagpapatuloy na SEABA Championship nasungkit ng Gilas Pilipinas was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882
Tila wala sa bokabularyo ni Senador Manny Pacquiao na mag retiro na sa pagbo-boksing sa lalong madaling panahon.
Ayon ito kay Buboy Fernandez, kaibigan ni Pacman at miyembro ng Team Pacquiao dahil hindi aniya nawawala sa puso ng senador ang pagiging boksingero.
Sinabi ni Fernandez na kahit na senador na si Pacman ay napapanatili nitong naka kondisyon ang kaniyang katawan sa pamamagitan ng regular na paglalaro ng basketball.
Sa kanila namang panig, binigyang diin ni Fernandez na hangga’t hindi nakikita ng Team Pacquiao na pumapalya sa training ang senador, hindi nila ito hihikayating mag retiro sa boksing.
By Judith Estrada – Larino
Pacman wala pa sa bokabularyo ang mag retiro bilang boksingero was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882
Makasama sa Pacquiao-Hord undercard ‘dream come true’ para kay Pinoy boxer Ancajas
written by DWIZ 882
Natupad din ang pangarap ni World Junior-Bantamweight Champion Jerwin Ancajas na makasama sa undercard ng Manny Pacquiao-Jeff Horn megafight sa Hulyo 2.
Ayon sa Panabo City fighter, hindi niya sasayangin ang bihirang pagkakataon na ito upang maipamalas ang bangis niya sa kanilang bakbakan sa ring ni Teiru Kinoshita ng Japan sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
Nangako rin si Ancajas na hindi niya bibiguin ang kanyang promoter na si Pacquiao sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya.
Matatandaang nasungkit ni Ancajas ang World Junior-Bantamweight title matapos gibain si McJoe Arroyo ng Puerto Rico noong September 2016 sa Taguig City.
Matagumpay ding nadepensahan ni Ancajas ang 115-pound belt nang mapatulog niya sa ika-pitong round si Mexican Jose Alfredo Rodriguez noong Enero sa Macau.
By Jelbert Perdez
Makasama sa Pacquiao-Hord undercard ‘dream come true’ para kay Pinoy boxer Ancajas was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882
MMA Fighter McGregor binigyan ng 1 linggo para makapaglatag ng mga kondisyon sa ikinakasang laban kay Mayweather Jr
written by DWIZ 882
Binigyan ni UFC President Dana White ang kampo ni Conor Mcgregor ng hanggang linggo, para pagpasyahan ang kanyang mga inilatag na alituntunin para mapagbigyan ang laban kontra Floyd Mayweather Jr.
Sinabi ni White na kapag naplantsa na ang lahat sa kampo ni Mcgregor ay saka siya makikipag usap sa kampo ni Mayweather.
Hindi na aniya siya papayag na humaba pa ang negosyasyon para sa naturang laban na una na niyang inihalintulad sa isang bangungot.
Sa kabila ng kahandaang mamagitan sa dalawa, sinabi ni White na hindi siya magbibigay ng garantiyang magiging mabunga at mangyayari ang naturang laban.
By Katrina Valle
MMA Fighter McGregor binigyan ng 1 linggo para makapaglatag ng mga kondisyon sa ikinakasang laban kay Mayweather Jr was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882
Pasok na rin sa Western Conference Finals ng NBA ang San Antonio Spurs.
Winalis ng Spurs ang Houston Rockets sa Game 6 ng kanilang Best of Seven Series sa Western Conference Semi-Finals at nilumpo sa score na 114-75.
Hindi nakapalag ang Rockets sa kabila ng kanilang Homecourt advantage dahil sa matinding opensang ipinamalas ng Spurs sa pangunguna ni Lamarcus Aldridge na nagpakawala ng double-double 34 points at 12 rebounds.
Wala ring nagawa ang ini-ambag na 20 points ni Trevor Ariza at Season Low na 10 points ni James Harden upang makabawi ang Houston.
Makakaharap ng Spurs sa Conference Finals ang Golden State Warriors sa Homecourt nito sa Oracle Arena, Oakland, California, sa Lunes.
By Drew Nacino
Spurs pasok na rin sa NBA Western Conference Finals was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882
Dating PBA Superstar Dorian Peña arestado sa anti-illegal drugs operation sa Mandaluyong
written by DWIZ 882
Arestado ang dating PBA Superstar na si Dorian Peña sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Mandaluyong City.
Isinagawa ang buy-bust operation sa isa umanong drug den sa Merryland Village kung saan kasamang naaresto ni Peña si Ledy Mea Vilchez at Jose Paolo Ampeso.
Nasabat mula sa tatlo ang dalawang plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.
Sumailalim na ang dating basketbolista sa inquest proceedings sa Department of Justice o DOJ sa kasong paglabag sa Section 7 at 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ang 39 anyos na si Peña ay naglaro para sa ilang team sa PBA gaya ng Globalport Batang Pier, Barako Bull at San Miguel Beermen kung saan apat (4) na kampyonato ang kanyang iniambag.
Napabilang din ang 6 foot 6 Filipino-American center sa mythical first team awardee nang dalawang beses.
By Drew Nacino
Dating PBA Superstar Dorian Peña arestado sa anti-illegal drugs operation sa Mandaluyong was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882
Hawak na ng Boston Celtics ang 3-2 lead sa best of seven series ng Eastern Conference semi-finals ng NBA.
Inilampaso ng Boston at Washington Wizards sa score na 123-101 sa Game 5 sa kanilang homecourt sa Boston TD Garden Arena, Massachusetts.
Nagpakawala ng 29 points si Avery Bradley habang nag-ambag ng 19 points si Al Horford para sa Celtics.
Muling maghaharap sa Game 6 ang dalawang koponan sa Sabado balwarte naman ng Wizards sa Verizon Center Arena, Washington DC.
Sakaling manalo sa ika-anim na laban, pasok na ang Celtics sa Eastern Conference Finals at makakaharap ang defending champions Cleveland Cavaliers pero kung matatalo ay magkakaroon ng game 7 kung saan babalik ang dalawang team sa homecourt ng 17 time NBA champion sa Boston, sa Martes.
By Drew Nacino
Game 5 ng Eastern semi-finals ng NBA dinominahan ng Boston Celtics was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882
Nagpakitang gilas kaagad ang GlobalPort import na si Justin Harper sa unang laro sa PBA.
Gumawa ng game high 30 points at siyam (9) na rebounds si Harper para pangunahan ang panalo ng Batang Pier kontra Meralco Bolts kung saan naitala sa 94-86 ang final score.
Si Harper ay kakarating lamang sa Pilipinas kahapon at kaagad naglaro sa Batang Pier matapos palitan ang import ng team na si Malcolm Wright.
By Judith Larino
Photo Credit: PBA Images
Bagong GlobalPort import Justin Harper agad na nagpakitang gilas was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882
Nakatakda nang dumating sa bansa si Coach Freddie Roach, para opisyal na simulan ang pagsasanay ni Fighting Senator Manny Pacquiao.
Ayon sa report, plano ng Team Pacquiao na simulan ang training camp sa Gensan sa susunod na buwan, bilang paghahanda sa kaniyang laban kay Jeff Horn sa Australia sa Hulyo 2.
“In High Spirit” naman umano ang senador, sa pagsisimula ng kanyang pagsasanay.
By Katrina Valle
Coach Freddie Roach parating na para sa mas pinatinding pagsasanay ni Pacman was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882