Category
SPORTS
Malakas na koponan ang isasabak ng Pilipinas para sa FIBA 3×3 World Cup sa susunod na buwan.
Ito’y matapos isiwalat ng FIBA na makakasama ni Kobe Paras sina Kiefer Ravena, Jeron Teng at Raymar Jose sa torneo sa Nantes, France.
Matatandaang nakalaro na si Paras nang dalawang (2) beses sa World Cup at nanalo ng dalawang (2) gold medals sa slam-dunk contest.
Sina Ravena at Teng naman ay nakasalang na rin sa isang FIBA 3×3 All-Star Exhibition Game noong 2015.
Makakahanay ng Team Philippines ang dating FIBA 3×3 European Champions na Romania at Slovenia at gayundin ang France at El Salvador sa Pool B.
By Jelbert Perdez
Malakas na koponan ng PH isasabak sa FIBA 3×3 World Cup was last modified: May 20th, 2017 by DWIZ 882
Barangay Ginebra pinadapa ng Rain or Shine sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup
written by DWIZ 882
Pinadapa ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra sa score na 118-112 sa kanilang bakbakan sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome noong Biyernes ng gabi.
Kumamada si James Yap ng 15 points habang nagdagdag si Duke Crews ng 28 points at 19 points naman mula kay Jericho Cruz sa panalo ng Elasto Painters.
Pagsapit ng ika-apat na quarter ay inabot ng tatlong minuto ang Rain or Shine bago nahabol ang sampung (10) puntos na kalamangan ng Ginebra at naipanalo ito sa dulo ng laro.
Samantala, naging maganda naman ang pagbabalik ni June Mar Fajardo sa San Miguel matapos ilampaso ng Beermen ang NLEX Road Warriors sa score na 114-108.
By Jelbert Perdez
Barangay Ginebra pinadapa ng Rain or Shine sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup was last modified: May 20th, 2017 by DWIZ 882
Pasok na sa quarter finals ng Italian Open si World No. 2 Novak Djokovic.
Ito ay makaraang idispatsa ng Serbian tennis star ang kalabang si Roberto Bautista ng spain sa iskor na 6-4, 6-4.
Samantalang nalaglag naman sa naturang torneo si Third Seed Stan Wawrinka.
Tinalo si Wawrinka ng American tennis player na si John Isner sa iskor na 7-6, 6-4.
By Ralph Obina
World No. 2 Novak Djokovic lusot na sa Quarter Finals ng Italian Open was last modified: May 19th, 2017 by DWIZ 882
Sasama sa biyahe ng Golden State Warriors patungong San Antonio ang kanilang Head Coach na si Steve Kerr para sa dalawang sunod na NBA Playoffs.
Ito ang kinumpirma ni Warriors General Manager Bob Mayers.
Matatandaang matagal ding hindi nakasama ng Warriors sa kanilang mga laro si Kerr dahil sa naranasan nitong komplikasyon sa back injury nito noong 2015.
Humalili naman kay Kerr sa mga panahong iyon si Assistant Coach Mike Brown kung saan ay nanalo ang Warriors ng walong magkakasunod na laro.
By Ralph Obina
Warriors Head Coach Steve Kerr sasama sa biyahe ng koponan sa San Antonio was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882
Winalis ng defending champion Cleveland Cavaliers ang kalabang Boston Celtics sa Game 1 ng NBA Eastern Conference Finals.
Tinambakan ng Cavs ang Celtics sa iskor na 117 – 104. Tulad ng inaasahan nanguna pa rin sa tagumpay ng Cavs si Lebron James na nakasikwat ng tatlumput walong (38) oras.
Matatandaang una nang pinataob ng Cavs ang Indiana Pacers sa First Round at isinunod namang talunin ang Toronto Raptors sa Semifinals.
By Ralph Obina
Cavs winalis ang Celtics sa Game 1 ng NBA Eastern Conference Finals was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882
Naibulsa ng Golden State Warriors ang ikalawa nilang panalo sa NBA Western Conference Finals kontra San Antonio Spurs.
Walang nagawa ang Spurs at inilampaso ng Warriors sa iskor na 100-136.
Nanguna sa panalo ng Golden State ang kanilang main man na si Stephen Curry na kumana ng dalawamput siyam (29) na puntos.
Sobrang dismayado naman si Spurs Coach Greg Popovich sa naging performance ng San Antonio.
Aminado si Popovich na hindi niya inasahan na ganoon ang kasasapitan ng kanyang koponan.
Plano namang bumangon ng Spurs sa Game 3 gamit ang home court advantage.
By Ralph Obina
Ikalawang panalo sa NBA Western Conference Finals naibulsa ng Golden State was last modified: May 17th, 2017 by DWIZ 882
Bigo si Russian tennis star Maria Sharapova na makapaglaro sa French Open.
Ito ay makaraang sadyain na hindi siya bigyan ng imbitasyon dahil pa rin sa isyu ng paglabag nito sa doping ban na humantong sa limampung suspensyon nito.
Ayon kay French Tennis Federation President Bernard Guidiceli, nasi nilang humingi ng paumanhin kay Sharapova at sa mga fan nito na malamang ay dismayado sa kanilang naging desisyon.
Binigyang diin ng opisyal na mayruong wildcard para sa mga nagbabalik galing injury ngunit wala para sa nagbabalik dahil sa paggamit ng doping drugs.
Iginiit nitong kailangang panatilihin ng kanilang pederasyon ang laro at mataas na standards ng tennis tournament.
By Ralph Obina
Russian tennis star Maria Sharapova bigo na makapaglaro sa French Open was last modified: May 17th, 2017 by DWIZ 882
Nabawi na ni Angelique Kerber kay Serena Williams ang pangunguna sa Tennis World Rankings.
Dalawamput anim (26) na linggo ring napako sa ikalawang pwesto si Kerber.
Matatandaang nito lamang nakaraang buwan ay inanunsyo ni Williams na siya ay nagdadalantao.
Dahil dito, inaasahang magtatagal pa sa kanyang trono ngayon si Kerber sa mundo ng tennis.
By Ralph Obina
Angelique Kerber nabawi na ang top ranking kay Serena Williams was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882
Handa na si Rafael Nadal sa French Open matapos na mapasakamay ang kampeonato sa Madrid Open sa naging laban kay Dominic Thiem.
Dahil sa nasabing panalo kaagad umakyat sa ika-apat na ranking si Nadal.
Marami umanong tennis experts ang tiwalang makukuha ng 30-anyos na tennis star ang kampeonato sa French Open dahil sa magkakasunod na panalo nito sa clay court sa Monte Carlo, Barcelona at Madrid Open.
Ang 14-time major champion ay bigo pang manalo sa ATP Tournament mula pa noong nakalipas na taon sa panalo nito sa Barcelona at itinuturing na paboritong manalo sa Rome at French Open.
By Judith Larino
Rafael Nadal handa nang sumabak sa French Open was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882