Category
SPORTS
Mexican Legends Erik Morales at Marco Antonio Barrera magsasama sa Hall of Fame Event
written by DWIZ 882
Magkaka-sama sa iisang event ang dalawang (2) legendary Mexican boxers at dating mahigpit na magkaribal na sina Erik Morales at Marco Antonio Barrera.
Ito ay magaganap sa induction ni Morales sa Nevada Boxing Hall of Fame sa Agosto 11 hanggang 12 ng kasalukuyang taon.
Si Barrera na napagkalooban din ng kaparehong Hall of Fame noong 2015 ang nakatakdang magpresenta kay Morales.
Itinuturing sa kasaysayan na mahigpit magkaribal ang dalawang boksingero kung saan ang kanilang banggaan ay umabot trilogy at kabilang sa greatest fights.
By Krista De Dios
Mexican Legends Erik Morales at Marco Antonio Barrera magsasama sa Hall of Fame Event was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Makakasama ng Pilipinas sa Group B ng FIBA Asia Cup 2017 na gagawin sa Agosto 8 hanggang 20, ang powerhouse na China, sa draw ceremony na ginawa sa Lebanon.
Maliban sa China, makakasama rin ng Pilipinas ang koponan ng Iraq at Qatar.
Susundin ang round Robin Forma sa group stage at ang top 3 teams sa bawat grupo ay maaring makapasok sa ikalawang yugto.
Knock out format naman ang susundin mula sa quarterfinals.
By Katrina Valle
Gilas at China magkasama sa Group B sa 2017 FIBA Asia Cup was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Wala nang dahilan ang koponang San Miguel Beermen para matalo pa sa kanilang huling dalawang laro.
Ito’y sa harap na rin ng mahigpit na agawan ng Beermen at ng Blackwater Elite sa dalawang twice to beat incentive sa quarterfinal round ng PBA Commissioners’ Cup.
Maghaharap mamayang hapon ang dalawang koponan na susundan namang ng sagupaan sa pagitan ng Alaska Aces at ng Star Hotshots.
Sakaling mapataob ng Beemen ang Elite mamaya, tiyak na makaharap nito ang GlobalPort sa Biyernes para sa pagtatapos ng elimination round.
By Jaymark Dagala
*PBA Images
Twice to beat incentive dapat habulin ng Beermen was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Hindi pa rin makakapag-coach para sa Golden State Warriors si Steve Kerr sa Game 1 ng NBA Finals kontra Cleveland Cavaliers.
Ayon kay Kerr hindi pa siya handa at ramdam pa rin ang kumplikasyon ng kanyang back surgery kabilang ang matinding sakit ng ulo, pagkahilo at pananakit ng leeg.
Gayunman, tiniyak ni Kerr na mag-coach man siya o hindi ay lilipad siya patungong Cleveland para suportahan ang kanilang koponan sa Game 3 at 4.
Dahil dito, si Assistant Coach Mike Brown muna ang titimon sa Warriors na nakapagtala ng sampung (10) sunud-sunod na panalo magmula nang mag-take over ito kay Kerr.
By Ralph Obina
Photo Credit: NBA.com
Warriors’ Steve Kerr di pa makakapag-coach sa Game 1 ng NBA Finals was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882
Arestado ng mga awtoridad sa Jupiter, Florida si golf legend Tiger Woods dahil sa pagmamaneho ng lasing.
Ayon kay Jupiter Police Spokesperson Kristin Rightler, si woods ay pansamantalang ikinulong subalit nakalaya rin mula sa Palm Beach County Jail matapos ang halos walong (8) oras.
Ang kuwarenta’y uno (41) anyos na golf legend ay inaresto alas-3:00 ng madaling araw.
By Judith Larino
Golf legend Tiger Woods inaresto sa pagmamaneho ng lasing was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882
Pacquiao handang ipanlaban ni Top Rank CEO Bob Arum kay UFC Champion Conor McGregor
written by DWIZ 882
Handang ipansabong ni Top Rank CEO Bob Arum si 8th Division World Champion Manny Pacquiao kay UFC Champion Conor McGregor.
Ito aniya ay kung hindi pa rin tatanggapin ni Retired Undefeated Boxer Floyd Mayweather Jr ang hamong laban ni McGregor.
Sinabi ni Arum na bukas ang schedule ng Pambansang Kamao para sa naturang laban.
Ito ay kahit pa nalalapit na ang laban ni Pacquiao kontra sa Australian Boxer na si Jeff Horn.
Hanggang sa ngayon, inaantabayanan pa ng kampo ni McGregor kung pipirmahan o hindi ni Mayweather ang kontrata ng kanilang inaabangang bakbakan.
By Ralph Obina
Pacquiao handang ipanlaban ni Top Rank CEO Bob Arum kay UFC Champion Conor McGregor was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882
Hindi umubra ang kuryente ng Meralco Bolts sa tindi ng tama ng Barangay Ginebra.
Ito ay matapos lumamang ng isang punto lamang ang Gin Kings sa makapigil hiningang paghaharap nila ng Bolts kagabi sa final score na 90-89.
Naging bayani sa panalo ng Gin Kings sina Justin Bronlee at LA Tenorio na kapwa gumawa ng tig-22 points.
Mula sa unang quarter ng taon hanggang matapos ang second quarter ay hawak ng Bolts ang kalamangan subalit nahabol ito ng Ginebra at nakalamang sila sa score na 88-86 sa huling 41 seconds ng fourth quarter.
Dahil sa nasabing panalo, nasa unang puwesto na ang Ginebra na may walong panalo at dalawang talo samantalang pitong (7) panalo at apat (4) na talo naman ang hawak ng Bolts.
By Judith Larino
Photo: PBA Images
Barangay Ginebra wagi kontra Meralco Bolts was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882
Hindi pa isinasara ng veteran basketball player na si Willie Miller ang posibilidad ng kanyang pagbabalik Philippine Basketball Association (PBA).
Ayon kay Miller, kung mayroong mga team na nangangailangan ng kanyang tulong at pursigidong makasungkit ng kampyonato ay handa siyang maglaro muli.
Taong 2015 pa naglaro sa PBA ang 15-year veteran para sa Talk and Text Tropang Texters na nagkampyon naman sa Commissioner’s Cup 2015.
Dalawang beses din naging Most Valuable Player (MVP) at mayroong apat na championship si Miller sa PBA.
Matapos nito ay naglaro ang veteran guard sa ASEAN Basketball League para sa Pilipinas MX3 Kings.
By Drew Nacino
Veteran player Willie Miller ikinukunsidera na ang pagbabalik sa PBA was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882
Bumubuti na ang kondisyon ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao para sa laban nito kontra kay Jeff Horn na gaganapin sa Australia sa Hulyo.
Kahapon ay sumabak sa dalawang sparring session ang Pambansang Kamao.
Ayon kay Hall of Famer Coach Freddie Roach kung ikukumpara sa mga nakaraang pagsasanay ni Pacquiao ay mas umayos aniya ang timing gayon ng fighting senator.
Gayunman, hinahanap pa ni Roach ang mas maraming kombinasyon at distansya mula kay Pacquiao lalo’t agresibo aniyang kalaban si Horn.
By Ralph Obina
Kondisyon ni Manny Pacquiao bumubuti ayon kay Roach was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882



