Category
SPORTS
Wala nang atrasan ang pagbabalik sa boxing ring ni Brian “The Hawaiian Punch” Viloria sa Setyembre 9.
Magiging isa sa undercard ang laban ni Viloria sa main bout nina WBC Super Flyweight World Champion Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand upang idepensa ang korona sa former champion na si Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua na gaganapin sa California.
Marso 2, 2017 nang huling lumaban si Viloria sa pamamagitan ng 8th round unanimous laban kay Ruben Montoya sa Tokyo, Japan.
Sa ngayon, inaabangan pa ang anunsiyo kung sino ang makatutunggali ni Viloria sa 8th round Super Flyweight Fight.
- Meann Tanbio
Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria babalik na sa boxing ring was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Bigo si Johanna Konta na maabot ang pangarap na maging kauna-unahang babaeng British na makapasok sa finals ng Wimbledon single sa nakalipas na apat na dekada.
Taong 1977 pa huling nagkaroon ng babaeng British sa finals ng Wimbledon sa katauhan ni Virginia Wade.
Sa score na 6-4 at 6-2, agad tinapos ni Venus Willliams ang paghaharap nila ni Konta para makapasok sa finals.
Ito na ang pang-siyam na finals appearance ni Williams mula noong taong 2000.
By Len Aguirre
Venus Williams pasok na sa finals ng Wimbledon was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Handa ng magretiro ang tinaguriang “the greatest billiard player of all time” na si Efren “Bata” Reyes.
Aminado ang 62-anyos na tinaguriang “The Magician” na ang lumalaking gastos sa paglahok sa mga tournament, nagbabagong playing style at pagtanda ang ilan sa mga dahilan ng kanyang napipintong pagreretiro.
Ayon kay Bata, wala na siyang tatalunin sa mga tournament dahil lahat na ng pinakamagaling sa larangan ng bilyar ay kanyang nakalaban at karamihan ay kanyang tinalo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Inamin din ni Reyes na madali na siyang mapagod at malaki na rin ang ipinagbago ng kanyang playing style partikular ang kanyang pagtumbok sa mga long shot matapos operahan sa mata.
Dekada otsenta nang magsimulang sumikat si Bata nang lumahok ito sa iba’t ibang torneyo sa Amerika, Europa at Asya.
By Drew Nacino
Efren ‘Bata’ Reyes plano nang mag-retiro was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882
Napikon si Top Rank CEO Bob Arum sa pag-ungkat ni dating 8th Division World Champion Manny Pacquiao ukol sa premyo sa laban nila ni Australian boxer Jeff Horn.
Ayon kay Arum, hindi dapat maging isyu ang pera dahil nakahanda naman na aniya ang bayad para sa Pambansang Kamao.
Binigyang diin ni Arum na sa Australia ginawa ang laban at hindi sa Las Vegas kaya’t may mga proseso pa aniyang kailangan pagdaanan.
Kasabay nito, sinisi ni Arum si Coach Freddie Roach dahil umano sa pagiging madaldal nito at pagpapalaki sa isyu.
Matatandaang nasa sampung milyong dolyar ($10-M) ang money purse ni Pacquiao sa pagkatalo nito kay Horn.
- Ralph Obina
Top Rank CEO Bob Arum napikon kay Pacman was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Inaasahang magiging bigatin ang bakbakang Floyd Mayweather Jr. at UFC Star conor McGregor.
Dahil bukod sa maglalaban, bigtime din ang mga manunuod sa laban na kinabibilangan ni US President Donald Trump.
Ayon kay UFC President Dana White, nagpahayag ng kagustuhan ang Pangulo ng Amerika na personal na masaksihan ang naturang bakbakan.
Gayunman, ipinag-aalala umano ni Trump ay baka pagkaguluhan siya sa naturang laban.
By Ralph Obina
Trump manonood sa laban ni Mayweather at McGregor was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Determinado ang Gilas Pilipinas na depensahan ang kampeonato sa 2017 William Jones Cup na bahagi ng preparasyon para sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa August 8 hanggang 20.
Ayon kay Gilas Team Manager Butch Antonio, kumpiyansa silang masusungkit muli ng Pilipinas ang korona sa naturang torneyo dahil maituturing na solid ang kanilang line-up.
Mula sa labindalawang (12) player, labingpitong (17) member na ng team ang ipadadala sa Taiwan kabilang ang import na si Mike Myers at naturalized player na si Fil-German Christian Standhardinger.
Nakatakda namang bumiyahe ang Philippine National Basketball Team, bukas para sa paglarga ng 39th Jones Cup simula sa July 15 hanggang July 23.
By Drew Nacino
Kampeonato sa 2017 William Jones Cup dedepensahan ng Gilas was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882
Sa kabila ng nalinawan nang pagkatalo laban kay Australian boxer Jeff Horn, wala pa ring balak si dating 8th Division World Champion Manny Pacquiao na magretiro.
Ayon sa Pambansang Kamao, mahal niya ang boksing at patuloy aniya siyang lalaban hangga’t hindi nawawala ang kanyang passion dito.
Sinabi ni Pacquiao na siya ay lumalaban para sa Diyos, kanyang pamilya, mga fan at para sa bansa.
Matatandaang sa isinagawang review ng WBO, pinagtibay ng mga independent judges ang pagkapanalo ni Horn sa laban nila ni Pacquiao.
- Ralph Obina
Pacman wala pa ring balak magretiro was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Napuno ng tensyon at kantiyawan ang unang press conference para sa laban nina Floyd Mayweather Jr. at UFC star Conor McGregor.
Napuno ang Staples Center sa Los Angeles kung saan hiyawan ang isinalubong ng mga fan sa pagpasok pa lamang ng dalawang fighter.
Nagbanta si McGregor na kanyang patutulugin sa loob ng apat na oras ang kalabang si Mayweather.
Pero ayon naman sa US undefeated boxer, tinuturing niya lamang si McGregor na gaya ng kanyang mga nakalaban noon na madali niyang napatumba.
Ang salpukang Mayweather at McGregor ay gaganapin sa Agosto 26.
By Ralph Obina
Unang press con ng Mayweather at McGregor fight napuno ng tensyon was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882
Dismayado si dating 8-Division World Champion at Senator Manny Pacquiao sa isinagawang review ng World Boxing Organization o WBO sa kanilang laban ng undefeated Australian fighter Jeff Horn.
Sa isinagawang review, pinagtibay ng WBO ang pagkapanalo ni Horn via unanimous decision laban kay Pacquiao, noong Hulyo 2.
Ayon kay Pacman, ipauubaya na niya sa taumbayan ang panghuhusga dahil saksi naman ang mga ito sa nangyari sa Brisbane, Australia.
Hindi naman aniya dapat ikagulat ang pasya ng WBO dahil maka-ilang beses ng minanipula ang mga resulta ng laban.
Samantala, nirerespeto naman ng Games and Amusement Board o GAB, ang government sports-regulatory body na nagpatawag ng review ang pasya ng WBO.
By Drew Nacino
Pacquiao ikinadismaya ang WBO review sa laban niya kay Horn was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882



