Isang magiting na guro ang nagpatunay na bukod sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman sa mga estudyante ay mayroon din silang totoong malasakit at napapangatawanan din nila ang pagiging ikalawang magulang sa mga ito.
Ang dahilan kung bakit nag-iisa ang bata sa parents day? Eto.
Madalas ay nagsasagawa ng baccalaureate mass ang mga eskwelahan bago mag-martsa ang batch ng mga graduating students.
Katulad ng eskwelahan na ito na nagpamisa hindi lamang para sa mga estudyante pero pati na rin sa kanilang mga magulang dahil kasabay noon na ginanap ang parents day.
Pero kapansin-pansin ang isang babaeng estudyante na tila hindi alam ang gagawin at walang ideya kung saan pupunta nang sabihin ng teacher sa kanilang batch na “face your parents.”
Habang hawak ang isang bulaklak ay napaluha na lang ang estudyante dahil hindi katulad ng kaniyang batchmates, wala siyang kasamang magulang sa parents day.
Mabuti na lamang at to the rescue ang isa sa mga guro na si teacher Charlotte Mallo-Castro. Nilapitan niya ang estudyante, niyakap, at tumayo munang magulang mnito.
Ayon kay teacher Charlotte, bakas daw ang labis na kalungkutan sa mga mata ng bata. Biglaan din daw itong humagulgol nang yakapin niya at tila mayroong mabigat na nararamdaman.
Nagpasalamat naman daw ang tatay ng bata na si Edmar sa pag-comfort ni teacher Charlotte sa kaniyang anak.
Hindi raw nakarating si Edmar para um-attend sa parents dahil malayo ang lugar na pinagtatrabahuhan niya. Ang mga kapatid naman ng bata ay hindi rin nakadalo dahil nagtatrabaho ang mga ito sa Gensan, at ang lola naman nito na sasama sana sa eskwelahan ay sumama ang pakiramdam.
Aminado na naiyak si tatay Edmar sa lungkot nang makita ang video na nag-iisa ang anak niya, humingi rin siya ng pasensya pero understanding naman daw ang bata at alam nito na kumakayod ang kaniyang ama para sa mga pangangailangan nila.
Dagdag pa ni teacher Charlotte, mayroon din daw siyang natutunan sa nangyari at ‘yon ay ang mas malalim na importansya ng papel ng isang guro at hindi basta-bastang trabaho lang.
Sa mga graduating students diyan, pwede mo bang i-share kung ano ang memorable moments mo with your favorite teacher?