Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Isang pulis ang inaresto matapos gampanan ang kaniyang trabaho na humuli ng masasamaang loob na lumalabag sa batas. Ang pulis kasi, nagkamali ng bunot! Sa halip kasi na taser gun, tunay na baril ang nabunot nito at naiputok pa!

Kung tinamaan ba ng bala ang hinahabol na suspek, ito.

Nagsimula ang maaksyong paghahabulan ng pulis na si Officer Brandon Thomas at ng suspek nang mahulihan niya ito ng umano’y marijuana sa isang sasakyan na sa ibang tao nakarehistro ang plate number.

Nang masita at makita ng pulis ang ipinagbabawal na droga, agad na kumripas ng takbo ang suspek.

Habang naghahabulan ang dalawa, maririnig pa ang pulis na binabalaan ang lalaki na tumigil sa pagtakbo at kung hindi ay gagamitan niya ito ng taser.

Sa kalagitnaan ng mala-pelikula at maaksyong paghabol dito, bumunot ang pulis ng baril, pero hindi ng taser gun, kundi ng isang literal na baril at pinaputok ito sa suspek.

Pati ang pulis ay nagulat nang marinig ang pagputok ng baril at sinabing hindi niya ito sinasadya.

Matapos dumaan sa Office of the Inspector General ang nangyari, napatunayang baril nga ang nahugot ng pulis, dahilan para maaresto ito dahil sa paglabag sa mga kasong second-degree reckless endangerment at unlawful discharge of firearm.

Muli ring dumaan si Officer Thomas sa remedial training pero baril na naman ang nabunot nito sa halip na taser gun.

Dahil dito, sumailalim na muna ang pulis sa restricted duty, habang matagumpay naman nilang dinakip ang hinabol niyang suspek na sa kabutihang palad ay hindi tinamaan ng bala ng baril.
Sa mga nagmamay-ari ng mga armas diyan, dahan-dahan lang sa pagbunot at baka magamit niyo ito sa maling pagkakataon o di naman kaya ay baka maling tao ang mapaputukan niyo.

July 11, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sa mga pet lovers diyan, sa paanong paraan niyo sinisigurado na hindi magdadala ng kapahamakan sa inyo at sa mga kapitbahay niyo ang mga inaalagaan niyong hayop? Ang pamilya kasi na ito sa Pakistan, naaresto matapos mag-alaga ng leon sa kanilang bahay. Hindi lang yan, naka-perwisyo rin ito at nang-atake ng mga residente matapos makatakas.

Kung ano ang kinahinatnan ng nakatakas na leon, eto.

Nahuli sa CCTV kung paanong nakaakyat at lumundag mula sa pader ang isang alagang leon at hinabol ang isang babae at dalawang mga bata sa lungsod ng Lahore sa Pakistan.

Kitang-kita kung paano dumapa sa kalsada ang dinambaan nitong ginang bago nagtatakbo papalayo.

Ayon sa mga ulat, nagtamo ng mga pasa at galos sa katawan ang ginang, habang naospital naman ang mga batang hinabol nito na edad syete-anyos at singko-anyos.

Samantala, naaresto na ng mga otoridad ang mga nagmamay-ari ng leon at naakusahan na wala umanong lisensya ang mga ito at naging pabaya kung kaya nakatakas ang mabangis na hayop. Mahaharap ngayon ang mga ito sa pitong taon na pagkakakulong o magbabayad ng multa na aabot ng $17,500 o mahigit P900,000.

Matapos nito ay kinumpiska na ang nasabing leon at dinala sa isang safari park sa kanilang lugar.

Bukod sa umatakeng leon, nagsagawa rin ng raid ang Wildlife and Parks Department sa 38 lion and tiger breedings farms kung saan 18 mga hayop ang nakumpiska at walong mga indibidwal ang naaresto.

Ayon sa director general ng departamento na si Mubeen Elahi, ang pag-aalaga ng mga leon ay kinakailangan ng lisensya at mayroong dapat sundin na tamang sukat ng kulungan at standard operating procedures.
Samantala, napag-alaman na ang pag-aalaga pala ng mga leon ay isang simbolo ng kapangyarihan at para sa mga pakistani, isa naman itong simbolo ng kaymanan.

Sa mga naghahangad na mag-alaga ng mababangis na hayop diyan, bago kayo magdesisyon, isipin niyo muna nang maigi ang magiging kapakanan, hindi lang ng hayop, kundi lalo na ng mga taong nakapaligid sa inyo.

July 11, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Gusto mo bang makatipid sa labada? Tinatamad ka bang magbihis? O gusto mo lang literal na maging malaya kahit panandalian lang? Kung ganon, baka magkainteres ka sa barkong ito kung saan pinahihintulutan ang mga pasahero na huwag magdamit sa loob ng labinisang araw.

Interesado ka na ba? O curious ka lang? Pwes, pakinggan mo ang kwentong ito.

Naglayag na nitong pebrero ngayong taon mula sa Miami Port ang 986-foot vessel na the Norwegian Pearl sakay ang 2,300 pasahero para magtungo sa caribbean.

Labinisang araw ang itatagal ng tour na in-arrange ng travel company na Bare Necessities. Pero huwag mong iisiping isa lang itong boring at mahabang byahe.

Dahil ang tour na ito, mayroong extra spicy twist para sa libu-libong mga pasahero.

Ang mga joiners kasi, mayroong option na huwag magsuot ng damit at pinahihintulutang maghubad sa barko.

Sa katunayan, pinalitan pa ang pangalan ng Norwegian Pearl at ginawang “The Big Nude Boat” para sa nasabing tour.

Bagama’t maluwag ang tour pagdating sa kasuotan ng mga pasahero, required ang mga ito na magdamit sa indoor dining rooms ng barko.

Pero mayroon din namang nude outdoor dining para sa mga mas gusto talagang manatiling nakahubad.

Pero paalala lang, bagama’t malayang nakikita ng mga pasahero ang hubad na katawan ng bawat isa, hindi ito imbitasyon para gumawa ng hindi maganda o para manamantala, dahil mahigpit na ipinagbabawal dito ang panghihipo at panyanyansing.
Ang kakaibang tour na ito, hindi lang basta-bastang nakapagbibigay ng liberating feeling sa mga pasahero dahil ayon sa bare necessities, nais nilang i-rpomote ang body positivity at nagbigay din ito ng paalala na ang sexual nudity ay hindi nangangahulugan sa sexual activity.

Ikaw, susubukan mo rin ba ang tour na ito kung mabibigyan ka ng pagkakataon?

July 10, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sa panahon ngayon, itinuturing na ring pamilya ang mga alagang aso—binibihisan, pinakakain, at ipinapasok pa sa dog schools. Pero ang batang ito mula sa Thailand, sobrang napalapit sa mga aso at umabot na sa puntong natuto na rin itong tumahol.

Kung ano na ang lagay ng bata, eto.

Madalas ay mga aso ang nakakasama ng isang hindi pinangalanang 8-year-old boy mula sa Lap Lae District sa probinsya ng Uttaradit sa Thailand dahil napabayaan na umano ito ng kaniyang 46-anyos na nanay at 23-anyos na kuya.

Ayon sa isang school principal sa Lap Lae District, dinala umano ng nanay ang kaniyang anak sa eskwelahan, hindi para pag-aralin kundi para mangolekta lang ng mga benepisyo.

Dahil emotionally abandoned ang bata, nakahanap ito ng aruga sa anim na mga aso kung saan ito natuto kung paano tumahol.

Nakarating ang kwento ng bata sa founder ng Foundation for Children and Women na Si Paveena Hongsakul kung kaya natunton ang kinaroroonan nito sa tulong ng mga otoridad.

Doon nadiskubre na napabayaan na ang bata at kapwa gumagamit ng droga ang kaniyang nanay at kuya. Napag-alaman din na iniiwasan ang kanilang buong pamilya dahil kalat na kalat ang paggamit ng droga ng nanay na ang pinagkakakitaan ay ang panlilimos.

Samantala, nasa kustodiya na ng Uttaradit Children’s Home ang bata, kung saan makakapag-aral na ito at matututo nang makipag-usap sa tamang paraan.

Bago mag-anak, siguraduhin muna na bukod sa pagiging financially stable ay nakatatak na sa inyong isipan na ang papasukin niyo ay isang responsibilidad na habambuhay niyong gagampanan at hindi pwedeng basta-basta niyo lang bitawan.

July 10, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Nakasanayan na natin ang makakita ng mga aso in action o ‘yung mga tinatawag na K-9 dogs. Pero maniniwala ka ba na ang mga gansa ay mayroon din palang mabigat na responsibilidad? Dahil katulad ng mga aso, naninilbihan din pala ang mga gansa bilang sekyu sa isang kulungan sa Brazil.

Kung bakit ang mga gansa ang napiling additional security, eto.

Taong 2009 nang magsimulang manilbihan ang mga gansa, partikular na ang mga sentinel geese, sa Sao Pedro De Alcantara Penitentiary na matatagpuan sa isang remote state sa Southern Brazil na Santa Catarina.

Kung bakit mas pinili nila ang mga gansa kaysa sa mga K-9 dogs? Sa isang pahayag sinabi ng prison guard na si Maros Coronetti na ito’y dahil hindi high maintenance ang mga gansa kumpara sa mga aso na kinakailangang dalhin sa beterinaryo at hindi kinakailangang i-train at bigyan ng atensyon. Mas nababagay din umano ang mga gansa sa uri ng kanilang trabaho.

Pinatunayan yan ng zoologist mula sa Federal University of Santa Catarina na si Guilherme Renzo Rocha Brito na matagal nang ginagawang bantay ang mga gansa. Alerto raw ang mga ito at talagang nag-iingay sa tuwing may nambubulabog.

Bagama’t mayroong mga roving guards at 200 CCTVS ang naka-install sa mga towers ng nasabing penitentiary, inatasan pa rin ang mga gansa naging first line of defense o magiging responsible sa pagbabantay kung sakali man na mayroong prisoner na magtatangkang tumakas.

Samantala, ayon kay Coronetti, ni minsan ay wala pa umanong nagtangkang tumakas pero sigurado na magagawa ng mga gansa ang kanilang trabaho kung sakali man na may sumubok sa mga ito.

Sa mga may alagang gansa diyan, naoobserbahan niyo ba na mayroong skills ang mga alaga niyo para maging isang sekyu?

July 10, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Patung-patong na kaso ang ipinataw sa isang nurse mula sa Missouri, USA, matapos nitong planuhin ang pagkamatay ng kaniyang mister para makasama na ang isang bilanggo na nakilala niya sa trabaho.

Kung anu-ano ang kaparusahang natanggap ng babae, eto.

Wala ng buhay nang matagpuan sa kanilang sunog na bahay sa Iberia ang noo’y 37-anyos na si Josh Murray matapos itong lasunin ng kaniyang misis na noo’y 46-anyos na si Amy Murray na siya ring nagsimula ng sunog.

Ayon sa korte at sa autopsy, nilason muna ng babae ang kaniyang mister gamit ang kemikal na antifreeze bago sinunog ang kanilang bahay para pagtakpan ang krimen.

Dahil dito, napatunayang guilty at nahatulan si Amy ng 12 taong pagkakakulong para sa kasong murder, 7 years para sa kasong arson, at 4 years para sa kasong tampering with evidence, ngunit mananatili pa rin itong inosente dahil sa alford plea.

Tatlong buwan matapos pumanaw ng kaniyang mister ay nakulong si Amy ngunit nadiskubre ng mga imbestigador na nakikipag-ugnayan pala ito sa isang inmate sa Jefferson City Correctional Center kung saan siya nagtatrabaho bilang isang nurse.

Hinihinalang mayroong relasyon si Amy sa inmate na kinilalang si Eugene Claypool na nasentensyahan ng 25 taong pagkakakulong dahil sa kasong pagpatay.

Ayon sa affidavit, napag-alaman sa recorded phone calls sa pagitan ng dalawa na makailang beses umanong nabanggit ni Amy na ayaw niyang makasama ang kaniyang asawa at maaari silang magpakasal ni Claypool dahil wala na ang kaniyang mister.

Samantala, nakapagpyansa si Amy ng $750,000 o nagkakahalaga ng mahigit 42 million pesos at hawak na ng county correctional facility habang naghihintay kung saan niya pagbabayaran ang kaniyang kasalanan.

Ikaw, anong masasabi mo sa mala-crime film na isinulat ng misis na ito sa ngalan ng pag-ibig na natagpuan niya sa bilangguan?

July 9, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, “do not live beyond your means.” Kung hindi pa kayang bayaran, huwag munang bibilhin oo utangin. Pero ang iba sa atin, kaskas kung kaskas, swipe kung swipe, para lang mabili ang mga gusto at mabayaran ang mga pangangailangan. Dahil diyan, lumabas sa isang report na ang Pilipinas, nasa critical level na pagdating sa laki ng utang ng mga credit card holders.

Kung gaano kalaki ang utang ng mga credit card holders na ito, eto.

Inilabas kamakailan ng loan marketplace at Singapore-based fintech firm na Roshi Pte Ltd. Ang kanilang Credit Card Debt Report: Asean and Beyond.

Ayon sa report, nangunguna ang Singapore sa listahan ng mayroong pinakamataas na average credit card debt o utang sa lahat ng southeast asian countries. Ang bawat cardholder umano ay mayroong utang na S$5,335 o may katumbas na P236,000.

Pero ayon sa Roshi, kayang-kayang i-manage at suportahan ng credit card holders sa Singapore ang kanilang mga utang dahil sa advanced financial infrastructure ng bansa at nangunguna rin ito sa mayroong pinakamataas na monthly income sa southeast asia na umaabot ng s$6,167.60 o nagkakahalaga ng p273,000.

Samantala, ang Pilipinas naman ay mayroong average credit card debt na pumalo sa S$2,092 o nagkakahalaga ng P92,800.

Pero ang monthly income sa Pilipinas, nagkakahalaga lang ng S$492.26 o P21,900. Kung titingnan, higit itong mas mababa kumpara sa monthly income sa ibang southeast asian countries na Hong Kong na mayroong S$6,032.26, at S$4,335.66 naman sa Japan.

Base sa section 4 ng report na broader financial patterns, lumalabas na nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamataas na debt to income ratio na 425% na maaaring maging senyales ng severe financial stress, at ito rin ang nag-iisang bansa na mayroong critical risk level.

Samantala, sumunod naman ang Malaysia, Thailand, Vietnam, at Indonesia sa mga bansang mayroong mababang average credit card debt sa southeast asia.

Sa mga may credit card diyan, nasigigurado niyo ba na buwan-buwan niyong nababayaran ang inyong mga utang?

July 9, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kadalasan ay itinuturing na prized posession ang mga collectible items na pinagkakagastusan ng mga collectors. Pero ang batang ito sa America, walang pag-aalinlangan na ipinagbili ang kaniyang collections para maipagamot ang kaniyang best friend na si Bruce, ang kaniyang alagang aso.

Kung magkano ang napagbentahan ng bata, eto.

Nakahiligan ng noo’y walong taong gulang na si Bryson Kliemann mula sa united states ang panonood ng cartoon na Pokemon at nangoleksyon pa ng mga Pokemon cards.

Pero para sa isang bata, malaking desisyon at sakripisyo ang ginawa ni Bryson na i-let go ang ilang taon niyang kinolekta na Pokemon cards para maipagamot ang kaniyang alagang aso na si Bruce na na-diagnose ng malubhang sakit na Parvovirus at nangangailangang sumailalim sa operasyon na nagkakahalaga ng $700.

Ibinenta ni Bryson ang kaniyang card collection sa labas ng kanilang bahay. Nakuhanan pa ito na nasa ilalim ng isang malaking payong kung saan siya nakasilong at ang kaniyang cards na nakalatag sa isang mesa at ang nakapaskil na signage na nagsasabing “Pokemon 4 sale.”

Agad na dinagsa ng customers si Bryson nang madiskurbe ng kanilang mga kapitbahay ang dahilan sa biglaan nitong pagtitinda. Habang ang nanay niya namang si Kimberlie ay nagpasimula ng gofundme campaign na nag-viral at nakalikom ng malaking halaga ng pera.

Bukod sa pagbili sa kaniyang mga paninda, ibinigay ng ilang mga kapitbahay ang sarili nilang card collections para maibenta rin ni Bryson, at ang iba naman ay nag-donate ng pera at dog supplies.

Matapos makalikom ng mahigit $21,000 o mahigit isang milyong piso, matagumpay na naipagamot si Bruce at nakauwi rin sa kanilang bahay kasama ang kaniyang best friend na sa murang edad ay natuto na magsakripisyo.

Samantala, ang natira sa mga perang nalikom ng pamilya ay idinonate nila sa mga animal shelters at ginamit para tulungan ang ibang pamilya na magbayad ng veterinary bills.

Sa mga batang may fur babies diyan, pwede niyo bang i-share ang mga sakripisyong nagawa niyo sa murang edad para sa inyong alaga?

July 9, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila, magkakaiba ng tama ang alak sa bawat tao. Kung ang iba ay biglang nage-English, mayroon ding nagre-relapse, o di naman kaya ay bigla na lang nakakatulog sa gitna ng inuman. Pero ang lalaking ito mula sa Turkey, sumama lang naman sa isinagawang search party para sa kaniya matapos nitong mawala sa isang gubat nang nakainom.

Kung paano natapos ang search party na ito, eto.

Nakainom ang noo’y 50-anyos na si Beyhan Mutlu nang maglakad-lakad ito sa isang gubat sa probinsya ng bursa sa turkey matapos makipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan.

Pero ang lalaki, hindi agad nakabalik sa kaniyang pinanggalingan.

Dahil sa pag-aalala, agad na nanghingi ng tulong sa mga otoridad ang kaniyang misis at mga kaibigan para hanapin si Beyhan.

Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki at walang kaide-ideya na mayroong isang grupo na naghahanap sa kaniya.

Pero sa isang pambihirang pagkakataon, nakasalubong pa ni Beyhan ang grupo at naisipang magmalasakit at sumama sa mga ito para tumulong sa paghahanap sa hinahanap ng mga ito.

Sa kalagitnaan ng search party, bigla na lang sumigaw ang isa sa mga opisyal at tinawag ang kaniyang pangalan.

Bilang initial response, agad na sumagot si beyhan ng, “I am here.”

Tila nagkagulatan pa si Beyhan at ang mga otoridad ngunit agad na kinausap ng isa sa mga rescuer ang nawawalang lalaki na ilang minuto na pala nilang kasama na ang tanging sinabi lang ay wag siyang masyadong parurusahan at papatayin umano siya ng kaniyang tatay.

Samantala, hindi naging malinaw kung pinatawan ba ng parusa o kung pinagbayad ng multa ang lalaki, pero inihatid pa ito ng mga otoridad sa kanilang bahay. Ang sigurado lang ay hindi na nito pinahirapan pa ang mga resecuer sa paghahanap sa kaniya at kusang lumapit sa mga ito.

Sa mga mahilig uminom diyan, umuwi na lang kasi agad kapag may amats na at huwag nang mapagala-gala pa.

July 8, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sabi nga nila, iba-iba ang karanasan at nararamdaman ng mga kababaihan habang nagbubuntis. Katulad ng babaeng ito mula sa China na inakalang kabusugan lang ang dahilan ng pagsakit ng kaniyang tiyan. Ang hindi niya alam, nagdadalantao na pala siya.

Kung naging matagumpay nga ba ang panganganak ng babae, eto.

Katatapos lang mananghalian ng babaeng kinilala sa kaniyang apelyido na Li mula sa Ezhou City, China nang makaramdam ito ng pananakit ng tiyan na inakala niyang dahil lang nasobrahan siya sa pagkain.

Pagpatak ng alas dos ng hapon ay nag-desisyon na si Li na magtungo sa ospital dahil sa patuloy na paglala ng kaniyang abdominal pain.

Bagama’t may iniindang sakit, nagawa pang imaneho ni Li ang kaniyang electric bike at mag-isang isinugod ang kaniyang sarili sa ospital.

Habang sumasailalim ang babae sa ultrasound ay mas tumindi pa umano ang naramdaman nitong sakit na napalitan ng uterine contractions hanggang sa bigla na lang pumutok ang kaniyang panubigan.

Ganon na lang ang gulat ni Li nang ianunsyo ng doktor na nagdadalantao siya, lalo na at aniya ay maingat sila ng kaniyang mister sa paggamit ng mga contraceptives dahil wala umano silang balak na sundan pa ang kanilang anim na taong gulang na anak.

Napansin naman daw ni Li na nadagdagan ang kaniyang timbang, pero bukod sa hindi ito nakaramdam ng kahit anong morning sickness, hindi na nito pinaghinalaan pa ang kaniyang delayed na period daw irregular naman daw talaga ang kaniyang menstruation.

Makaraan lang ang isang oras ay isinilang na ng babae ang isang baby boy na may bigat na 2.5 kg sa pamamagitan ng natural labour at patuloy na inobersbahan sa isang Municipal Health Centre.

Samantala, agad namang bumyahe pauwi ang kaniyang mister na nagtatrabaho sa labas ng Ezhou City matapos nitong malaman ang sitwasyon ng kaniyang misis.

Sa mga kababaihan diyan, ingat-ingat sa mga kinakain at ginagawang activities. Hindi mo lang alam at baka mayroon na palang bata na dapat mong alagaan sa’yong sinaupunan.

July 8, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest