Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Katulad sa Pilipinas, paniguradong laganap din ang hindi mapigilang pagkalat ng fake news sa ibang bansa, katulad ng China.

Bilang nangunguna ang bansang ito sa innovations, nag-step up na rin ito para protektahan ang mga lokal mula sa maling impormasyon sa pamamagitan ng isang batas kung saan kailangan munang patunayan ng mga influencer ang kanilang expertise tungkol sa mga seryosong usapin bago gumawa ng video tungkol dito.

Tinanggap nga ba ng mga social media user ang bagong patakaran? Alamin.

Ganap nang isang batas sa China at sinimulang implementahan noong October 25 ang panibagong sistema kung saan nire-require ang mga social media influencer na magkaroon ng degree, training, license, o certification bago sila gumawa ng video tungkol sa mga social issues o mga seryosong usapin katulad ng law, finance, medicine, at education.

Layunin nito na tugunan at pababain ang mga kaso ng misinformation sa social media.

Makikipagtulungan din ang mga Chinese social media platform para maging epektibo ang pagpuksa sa fake news kung saan kialangan munang kumpirmahin ng mga ito ang credentials ng mga influencer.

Tila isa na itong thesis dahil kailangang linawin ng uploaders kung naglalaman ba ng AI-generated materials ang kanilang videos at kung gumamit ba sila ng sources katulad ng research studies.

Bukod pa riyan, ipinagbawal na rin ng Cyberspace Administration of China (CAC) ang pag-aadvertise ng medical products, supplements, at health food para maiwasan ang pagpo-promote ng mga produkto na kunwari ay layuning mag-educate sa publiko.

Gayunpaman, bagama’t maganda ang hangarin ng bagong batas, ilang netizen ang umalma rito dahil posible umano nitong mahadlangan ang pag-e-express ng creativity at malilimitahan ang isa sa mga karapatang pantao na freedom of speech.

Ikaw, papabor ba sayo kung magkakaroon ng kaparehas na batas sa Pilipinas?

November 3, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ika nga nila, love knows no age. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka. Katulad ng magkasintahan na ito sa Japan na hindi alintana ang kanilang 60-year age gap at proud na proud na ipinagsigawan sa mundo ang pagmamahalan nila na nabuo nang hindi inaasahan.

Kung paano nga ba nagsimula ang love story ng magkasintahan, eto.

Nasa kolehiyo pa ang 23-anyos na Japanese man na si Kofu nang una itong bumisita sa bahay ng 83-anyos na si Aiko na lola ng kaniyang kaklase nang hindi inaasahang ma-love at first sight ito kay Lola Aiko.

Ayon sa ulat, nag-internship si Kofu sa isang creative design company at nalalapit na ang graduation. Habang si Aiko naman ay dalawang beses ikinasal, may dalawang anak, at limang mga apo.

Bagama’t malaki ang agwat ng edad ng dalawa, hindi ito naging hadlang para mahulog din ang loob ni Aiko sa binata, pero ito rin ang mismong dahilan para mahirapan ang dalawa na i-express ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Mabuti na lang at nag-arrange ng trip to Disneyland ang apo ni Aiko para sa kanilang tatlo. Pero ang apo nito, biglaang nag-back out.

Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon si Aiko at Kofu na magkaroon ng alone time. At sa paglubog ng araw, habang nasa happiest place on earth, nakamit din ni Kofu ang kaniyang happiness dahil sa wakas ay nagkaroon din ito ng lakas ng loob na umamin kay Aiko.

Ang pagmamahalan ng dalawa, hindi hinadlangan ng sinuman at todo suporta pa ang kaniya-kaniya nilang mga pamilya. Sa ngayon, nagsasama na ang dalawa at ini-enjoy ang buhay sa piling ng isa’t isa.

Ayon kay Aiko, kahit na nalulungkot siya sa tuwing papasok sa trabaho si Kofu, nae-enjoy niya naman ang pagluluto ng pagkain para rito.

Sa isa namang pahayag, sinabi ni Kofu na hindi pa nila napag-uusapan ang pagpapakasal dahil sa ngayon, kuntento na ito na makasama at makita ang kaniyang girlfriend sa bawat pagsikat at paglubog ng araw.

Ikaw, mayroon ka bang kaparehas na kwento? Kung ganon, pwede mo bang i-share kung paano nagsimula ang love story niyo ng partner mo?

November 3, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BRITISH - THAI ACCENT

Madalas na ipayo ng mga matatanda na mag-enjoy lang sa buhay at sulitin ang kabataan habang malakas pa at marami pang oras. Pero paano ka nga ba mag-eenjoy kung bigla ka na lang tinamaan ng sakit—katulad ng isang British woman na bigla na lang hindi makalakad at nagbago pa ang accent matapos magbakasyon?

Ang eksplanasyon sa biglaang pagkakasakit ng babae, eto.

Nauwi sa pagkakaospital ang isa sanang masayang birthday trip ng 28-anyos na British financial administrator na si Cathy Warren nang magtungo ito sa Fathiye, Turkey kasama ang kaniyang mga kaibigan at biglaang inatake ng heat stroke.

Ayon kay Cathy, matapos niyang mag-sunbathing ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo at inisip na tinamaan siya ng heat stroke.

Kinagabihan, habang naglalakad ang magkakaibigan para maghapunan, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang hindi maigalaw ng babae ang kaniyang mga binti at tuluyan na ngang hindi nakapaglakad.

Nang humingi sila ng tulong sa receptionist, dumating ito nang may kasamang doktor at dinala si Cathy sa ospital kung saan sumailalim ito sa mga tests na nagpatunay na tinamaan nga talaga siya ng heat stroke.

Paralisado na ang kaliwang bahagi ng katawan ni Cathy nang magising ito sa ospital, pero ang nakakagulat sa lahat ay tila isa nang lokal sa Thailand ang babae dahil sa Thai accent nito sa halip na British accent.

Ayon pa kay Cathy, nagmula sa Thailand ang kaniyang nanay kung kaya inisip ng mga doktor na baka nakuha niya ito sa kaniyang ina.

Pero agad din namang naipaliwanag at nabigyang-linaw ang biglaang pagpapalit ni Cathy ng accent matapos itong ma-diagnose ng rare condition na Foreign Accent Syndrome.

Dahil sa insidente, nagtagal ng isang buwan si Cathy sa Turkey bago pinahintulutang umuwi sa United Kingdom. Tatlong buwan din siyang nagpagaling sa rehabilitation center para muling makalakad at sumailalim sa speech therapy. Pero ang boses at accent ni Cathy, hindi pa rin bumabalik sa dati.

Sa mga magbabakasyon diyan, wala namang masama na mag-enjoy, pero huwag kalimutang maging maingat—dahil baka maging memorable ang trip niyo sa paraang hindi niyo magugustuhan.

October 31, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Minsan, hindi rin pala masama na malihis ng landas at mapunta sa ibang direksyon. Kagaya na lang ng isang bata mula sa Minnesota na hindi sinasadyang napaliko sa maling daanan habang nasa fun run at napasali sa mga matatanda. Bagama’t mas bata at mas maigsi ang mga biyas, nagawa nitong talunin ang mga adult runners at nauna pa sa finish line.

Ang dahilan kung bakit nalihis ng direksyon ang bata, eto.

Linggo ng umaga nang magpunta ang noo’y 9-year-old na si Kade Lovell sa isang fun run malapit sa tinitirhan nila sa St. Cloud, Minnesota, U.S.A kasama ang kaniyang nanay at lola para muling lumahok sa isang 5 km race.

Anim na taong gulang pa lang ay aktibo nang sumasali si Kade sa mga fun run kung kaya nahasa na ang resistensya nito na tumakbo nang mabilis sa murang edad.

Sa kalagitnaan ng pagtakbo, nakasalubong ni Kade ang isang staff na sinabihan siya na dumaan sa ibang direksyon ng kalsada. Bagama’t nagtataka, ipinagpatuloy ni Kade ang pagtakbo hanggang sa nagulat na lang ito nang mapahalo siya sa mga adult runners na naka-sign up para sa 10 km run.

Nagsimulang kabahan si Kade dahil sa pag-aakalang naliligaw na siya. Kasabay nito ay unti-unti na rin itong nakaramdam ng pananakit sa katawan dahil hindi inaasahang napahaba at napatagal ang pagtakbo nito.

Pagdating sa finish line ay bumungad kay kade ang nag-aalala niyang nanay kung kaya agad na nagpaliwanag ang bata na hindi niya sinadyang matagalan at mapasama sa 10k run.

Bagama’t naulanan, naligaw, at napagalitan ng nanay, ganon na lang ang gulat ni Kade nang lapitan sila ng isang staff at sinabi na sa lahat ng runners na sumali sa fun run, siya ang pinakaunang nakarating sa finish line.

Ang accidental achievement na ito ni Kade ay isang patunay na nagbunga ang palagian niyang pagtakbo at tatlong araw niyang pagte-training para sa junior olympics.

Ikaw, mayroon ka rin bang achievement na hindi mo inakalang maaabot mo?

October 30, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Marami ang nagagalit at nakikisimpatya ngayon sa biglaang pagpanaw ng isang Taiwanese flight attendant matapos magkasakit habang nagtatrabaho. Para palalain pa ang sitwasyon, nanghingi pa ang kumpanya ng pruweba na nag-sick leave ang F.A. matapos nitong bawian ng buhay.

Kung natanggap ba ng airline ang nasabing proof of sick leave, eto.

September 28 nang unang magkasakit ang 34-anyos na tawianese flight attendant ng EVA Airlines habang nasa duty sa isang flight mula sa Milan patungo sa Taoyuan, Taiwan. Agad naman itong dinala sa isang malapit na clinic matapos mag-landing pero mas lumala ang kalagayan ng babae pagkalipas lang ng ilang araw.

Matapos nito ay dalawang beses pang inilipat ng ospital ang F.A. Bago tuluyang pumanaw.

Bagama’t ilang araw nang absent sa trabaho dahil sa pagkaka-admit sa ospital, matapos pumanaw ng flight attenant ay nakatanggap pa ng message ang cellphone nito mula sa isang representative ng airline na nanghihingi ng proof of sick leave.

Ang pamilya ng yumao, nag-reply sa airline at sinend ang death certificate ng F.A.

Nakatanggap ng pambabatikos ang airline matapos isiwalat ng isa pang F.A. Na napilitang mag-trabaho ang kanilang katrabaho sa kabila ng kondisyon nito at overworked silang lahat na siya namang nag-ugat sa isinasagawa ngayong imbestigasyon ng airlines at ng mga otoridad.

Samantala, personal nang humingi ng tawad ang eva airlines sa pamilya ng pumanaw na F.A. at nilinaw na ang natanggap na text ng nasabing F.A. Ay pagkakamali lang ng isang internal employee.

Ikaw, bilang isang empleyado, ano ang opinyon mo sa kwentong ito?

October 30, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kadalasan ay maagang gumigising at bumibiyahe ang mga empleyado dahil bukod sa mismong trabaho, sa kalye pa lang ay nakikipagsapalaran na sila para maagang makapasok. Pero ang dishwasher na ito sa China, maswerte na may taga-hatid papunta sa trabaho. Pero hindi lang ito basta-bastang sasakyan dahil ang service niya, isa lang namang luxury car.

Kung paano nga ba ito nangyari, eto.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang babae mula sa Chengdu City matapos kumalat sa isang Chinese platform ang picture at video nito na bumaba mula sa isang magara at makintab na luxury car na nagkakahalaga ng $400,000 o mahigit 26 million pesos.

Kitang-kita sa video ang simpleng kasuotan ng babae na pink polo shirt, black pants, bota, at apron. Kung bakit? Ito ay dahil isang dishwasher ang babae at hatid-sunod siya ng nasabing sasakyan kapag papasok at uuwi ito mula sa trabaho.

Pero bakit nga ba nagtatrabaho pa ang babae kung afford naman nito na makabili ng sasakyan at namumuhay nang komportable?

Ayon sa ulat, hindi pera ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang babae kundi dahil bored umano ito sa kanilang bahay at naghahanap lang ng mapagkakaabalahan.

Kung ang iba ay kinatatamaran ang paghuhugas ng mga pinagkainan, ibahin niyo ang babaeng ito na hindi raw kumpleto ang araw niya kung hindi siya maghuhugas ng mga pinggan.

Ang trip na ito ng babae, suportado naman daw ng kaniyang anak. Dahil wala naman itong magagawa para pigilan ang kaniyang nanay, hinahatid at sinusundo niya na lang ito sa trabaho.

Kung iisipin, pwede namang magpahinga o mag-retire na ang babae, lalo na at may-kaya naman ito sa buhay. Pero hinahangaan ito ngayon sa social media dahil mas pinili nito na magtrabaho para makisalamuha sa mga tao araw-araw sa halip na magkulong sa kanilang bahay.

Ikaw, anong paraan ang ginagawa mo para mawala ang boredom mo?

October 30, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Tila eksena sa pelikula ang naging tagpo sa kasal ng isang lalaki mula sa China matapos hindi sinasadyang magkaroon ng rebelasyon tungkol sa tunay na pagkatao ng kaniyang bride. Sa araw kasi ng kanilang pag-iisang dibdib, hindi lang magkakaroon ng asawa ang lalaki kundi pati na rin ng kapatid.

Kung paano nga ba biglaang nagkabuhol-buhol ang kwento ng magkasintahan, eto.

Nakasanayan na nating mapanood sa mga pelikula ang mga plot twists sa kasal katulad ng biglaang pagba-back out ng bride o ng groom o di naman kaya ay ang biglaang pakontra ng isa sa mga bisita o ng wedding crasher.

Pero ang isang kasal na ginanap sa Suzhou, Eastern China, ibang klase ang naging aberya. Habang ginaganap kasi ang seremonya, napansin ng nanay ng groom ang isang balat sa kamay ng bride.

Dahil sa maliit na detalye na ito, bagama’t maituturing na insensitive, lakas-loob na itinanong ng nanay ang mga magulang ng bride kung ampon ba ang kanilang anak.

Labis naman itong ikinagulat ng mga magulang dahil sa puntong ‘yon, nananatiling isang malaking sikreto ang ginawa nilang pag-ampon sa isang bata na natagpuan umano nila noon sa gilid ng kalsada.

Kahit na walang isinagawang dna testing, mabilis na nakumpirma ng mother of the groom na ang bride ay ang nawawala niyang anak.

Kahit na nagulantang, mabilis itong natanggap ng bride at niyakap ang tunay niyang ina sa unang pagkakataon pagkalipas ng mahabang panahon.

Pero hindi pa diyan nagtatapos ang kwento. Matapos ang reunion ng mag-ina, natuloy pa nga ba ang kasal gayong nadiskubre nila na magkapatid pala ang bride at groom?

Ayon sa ulat, ipinaliwanag ng nanay na ang groom ay ang kaniyang adoptive son na inampon niya matapos mawalay sa kaniya ang anak niyang babae. Bilang hindi naman magkadugo ang bride at groom, natuloy pa rin ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Ikaw, mayroon din bang shocking revelation na naisiwalat sa mismong araw ng kasal mo?

October 29, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Isa ang pagbubuntis sa mga usapin na hindi dapat ginagawang biro dahil sensitibo itong topic para sa marami. Pero ang babaeng ito mula sa Scotland, siyam na buwang nagpanggap at pinaniwala ang kaniyang pamilya na nagdadalantao siya. Pero nang manganak ang babae, nabuko na isa lang palang manika ang bata.

Ang kwento ng pagpapanggap ng babae, eto.

Nauwi sa paghingi ng tawad sa kaniyang social media account ang 22-anyos na si Kira Cousins mula sa Scotland ang isa sanang selebrasyon para sa pagsilang niya ng kaniyang baby girl.

Ito’y matapos mabuko na hindi naman talaga nagbuntis at mas lalong hindi nanganak si Kira.

Sa loob ng siyam na buwan, kabilang sa mga ginawang pagpapanggap ni Kira ay ang pagsusuot ng prosthetic bump, pagpo-post ng pictures ng ultrasound, at pagce-celebrate sa isang gender reveal party.

Matapos manganak mag-isa, ibinida ni Kira ang newborn baby na pinangalanan niyang Bonnie-Leigh Joyce. Pero hindi nagtagal ay nabuko si Kira ng mismo niyang nanay matapos nitong makita ang manika sa kaniyang kwarto.

Sa sobrang kapani-paniwala ng manika at ng fake pregnancy nito, nagawa nitong paniwalain at lokohin ang tatay umano ng bata at ang mismong pamilya at mga kaibigan ni Kira na tinawag siyang serial liar.

Samantala, matapos nito ay naglabasan ang opinyon ng mga kamag-anak ni kira na kaduda-duda na ni minsan ay hindi nila narinig na umiyak ang bata at ayaw umano itong ipahawak sa kanila ni Kira.

Ikaw, may kilala ka rin ba na makukunsiderang pathological liar? Kung ganon, gaano kalala ang kasinungalingan na narinig at nakita mo?

October 29, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ano ang gagawin mo kapag nadiskubre mo na mayroong fina-follow na ibang babae o lalaki ang partner mo sa social media? Iisipin mo ba agad na niloloko ka niya? Pagsasabihan mo ba siya na i-unfollow ang mga ito? O tutularan mo itong nag-viral na babae na sa halip na magmukmok, naghiganti ito sa kaniyang bboyfriend at ibinenta sa napakamurang halaga ang sandamakmak nitong sapatos.

Kung magkano nga ba ibinenta ang mga branded na sapatos, eto.

Nag-viral sa social media ang isang babae na nakatayo sa likurang bahagi ng isang sasakyan kung saan makikitang nakasalansan sa trunk nito ang sandamakmak na sapatos mula sa mga kilalang brands.

Kung titingnan, aakalain mo na nagsasagawa lang ng garage sale ang babae para i-dispose ang mga sapatos. Pero ang totoo, pag-aari ang mga ito ng kaniyang boyfriend at napagdesisyunan niya lang na ibenta dahil sa galit niya rito.

Ayon sa babae, ibinebenta niya ang mga nasabing sapatos dahil masyadong babad sa social media ang kaniyang nobyo at abala sa pagfa-follow ng ibang babae. Umabot na nga sa punto na dinededma na siya nito.

Nang magsimula ang negotiation, sinabi ng buyer na bibilhin niya ang lahat ng sapatos sa halagang $1,500 o mahigit P80,000. Pero ang babae, bagsak presyo kung magbenta at halos ipinamigay na ang lagpas sampung pares ng mga sapatos.

Dahil sa kagustuhan na madispatsa ang mga sapatos, pinagpilitan ng babae na ibenta ang lahat ng ito sa halagang $300 o mahigit P17,000.

Kung titingnan, luging-lugi na ito dahil paniguradong lagpas ng P17,000 ang original na total price ng mga sapatos. Pero dahil pursigido ang babae na makaganti at madismaya ang kaniyang boyfriend, binabaan niya pa ang presyo at tuluyang ipinagbili ang mga ito sa halagang $250 o mahigit P14,000.

Samantala, ayon sa ulat, on the rocks na talaga ang relasyon ng magkasintahan at ang pagbebenta ng babae sa mga sapatos ng kaniyang boyfriend ay indikasyon na tuluyan nang napatid ang pasensya niya rito.

Ikaw, ano ang gagawin mo kapag nadiskubre mo na may ibang fina-follow na babae sa social media ang boyfriend mo? Kakausapin mo ba ito? Makikipaghiwalay ka? O maghihiganti muna?

October 28, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Malaking tulong para sa mga ligawin at sa mga dumadayo sa hindi pamilyar na lugar ang paggamit ng navigation apps katulad ng Google Maps. Pero sa kwentong ito, tila hindi nakatulong ang Google Maps sa isang turista at nakaperwisyo pa. Ang babae kasi, sa halip na makarating sa pupuntahan, nahulog nang hindi inaasahan. Saan? Sa kanal lang naman.

Ang dahilan kung bakit nga ba tila hindi epektibo ang Google Maps sa lugar na pinuntahan ng babae, eto.

Nag-viral sa social media at umani na ng mahigit 300,000 likes ang video ng isang babaeng turista na naglalakad pababa sa hagdan na bato habang hawak ang kaniyang cellphone.

Kitang-kita sa video na diretso ang tingin ng babae sa kaniyang dadaanan.

Pero matapos umapak sa pinakahuling baitang ng hagdan, bigla itong nadulas at dumausdos pababa sa isang canal.

Base sa caption ng video, sinunod lang ng babae ang direksyon na itinuturo sa kaniya ng google maps. Pero dahil namamasyal ito sa Venice na tinatawag ding ‘Floating City’, wala na itong nagawa nang mahulog sa isang canal matapos sundin ang map.

Ang babae, nadisgrasya na nga, na-bash pa. Isang commentator ang nagsabi na kahit ano na lang daw ay ginagawa ng mga tao para lang makakuha ng atensyon. Mayroon pang nanermon at sinabing gamitin ang utak at tumingin sa paligid habang naglalakad.

Gayunpaman, ilang Venice tour sites na ang nagbabala at nag-abiso sa mga turista na hindi reliable ang Google Maps sa nasabing lugar at isang dahilan diyan ay ang paggamit dito ng numbers sa halip na ng tipikal na street addresses. Itinuturo rin nito sa mga turista ang mga direksyon na hindi naman nag-eexist o di naman kaya ay nahaharangan ng mga canal.

Sa mga magta-travel diyan, maging extra careful habang namamasyal. Sige ka, baka sa halip na maka-awra ka, mapa-aray ka pa dahil sa disgrasya.

October 28, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest