Ikinasal na ang singer na si Jennifer Lopez at aktor na si Ben Affleck nitong weekend sa Las Vegas.
Ito ay matapos kumuha ng marriage license ang celebrity couple, batay sa mga dokumentong inilabas online ng clerk’s office ng clark county sa Nevada.
Ayon sa report, ang power duo na tinaguriang Bennifer ay ikinasal sa isang small ceremony.
Sa instagram, ipinost ng Marry Me actress ang mga katagang Sadie! #iykyk go to the OnTheJlo for all the deets” at ini link ang kanyang newsletter website sa kanyang page bio.
Sinabi ni Jlo na mayroon siyang “exciting and special story to share” subalit ang subscribers nila sa “inner circle” newsletter lamang ang makakabasa ng nasabing exciting story.
Halos isang taon nang nagka balikan ang tinaguriang bennifer matapos ang dalawampung taon at nag engage nitong nakalipas na Abril.
ENTERTAINMENT
Diploma at National costume, ipinagmalaki sa publiko ni Aspiring beauty queen Herlene Budol
Ipinasilip sa publiko ni Aspiring beauty queen Herlene Budol o kilala bilang si “Hipon Girl” ang kaniyang national costume na kaniyang gagamitin para sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2022 na gaganapin sa Hulyo a-31.
Sa Instagram post ng beauty queen, kaniyang ipinagmalaki ang mahigit 16 feet at 45 days in the making na pambansang kasuotan na una na niyang nirampa sa New Frontier Theater sa Quezon City noong Sabado.
Nabatid na ang national costume ni Herlene ay halaw sa Higantes Festival ng Angono, Rizal, ang lugar na kaniyang pinagmulan at kung saan siya lumaki.
Samantala, ipinagmalaki din ni Herlene sa mga netizen ang kaniyang diploma na pinaka malaking achievement na kaniyang natanggap sa kaniyang buhay na kaniya namang inaalay sa kaniyang pamilya at mga taga-suporta.
Isang TV appearance ng KPOP group na Lapillus, kinansela dahil sa mataas na lagnat ng isang Pinay member nito
Kinansela ang TV apperance ng KPOP group na Lapillus ngayong linggo dahil sa mataas na lagnat ng isang Pinay member nito na si Chantal Videla o Chanty.
Batay sa ulat nakatakda sanang mag-perform ang naturang grupo sa Korean TV music show na Inkigayo subalit dahil sa mataas na lagnat ng nasabing Pinay hindi ito natuloy.
Ayon sa MLD Entertainment, dinala na sa ospital si Chanty at pinayuhan ng doktor na magpahinga.
Habang humingi naman ang naturang kumpanya ng paumanhin sa mga fans ng grupo dahil sa naunsyameng perfromance ng mga ito.
Matatandang si Chanty ay dating kapamilya aktres na naging bahagi ng cast ng television show na Hiwaga ng Kambal at Starla.
Nananawagan ngayon ng tulong ang aktor na si Alex Medina para sa Ama nitong si Pen Medina na sasailalim sa isang major spine surgery.
Sa facebook post ng aktor, sinabi nitong tatlong linggo nang nasa ospital ang kaniyang ama at hindi na ito makaupo at makatayo.
Hindi rin sapat ang kakayahan ng aktor na mabayaran ang surgery dahil wala naman itong trabaho dahil sa pandemya.
Sa July 19, araw ng Martes nakatkdang sumailalim sa surgery ang ama ng aktor.
Kinoronahan ang pambato ng South Africa na si Lalela Mswane bilang Miss Supranational 2022.
Isinagawa ang coronation night sa Malopolska, Poland kaninang umaga.
Natalo ng South Africa ang nasa 68 kalahok mula sa iba’t ibang bansa para makuha ang korona mula kay Chanique Rabe, ang 2021 winner at unang Miss Supranational mula sa Namibia.
Hinirang namang first runner-up si Miss Thailand Praewwanich Ruangthong habang second runner-up si Miss Vietnam Nguyen Huynh Kim Duyên.
Third runner-up naman si Miss Indonesia Adinda Cresheilla at fourth runner-up si Miss Venezuela Ismeyls Velasques.
Nagtapos naman sa Top 24 si Alison Black ng Pilipinas.
Beauty Queen na si Maggie Wilson, umapela ng tulong matapos i-harass ng dating asawa
Nanawagan ng tulong ang Filipino-British Beauty Queen na si Maggie Wilson.
Ito’y matapos pasukin ng mga tauhan ng dating asawa ni Maggie na si Victor Consunji ang pamamahay ng aktres nang walang anumang ‘notice, warrant at maayos na paperworks.
Sa instagram post ng beauty queen, sinabi nitong nag-serve ng notice ang mga lalaki para i-padlock ang bahay.
Ipinakita pa ng kamag-anak ni maggie ang kontratang nagsasaad na may karapatang manirahan ang aktres sa nasabing bahay pero pinagtawanan lamang ito.
Wala si Maggie nang nangyari ang insidente dahil kasalukuyan siyang nasa business trip.
Wala pang pahayag ang VCDC at DMCI, mga kumpanyang parehong pagmamay-ari ni Victor ukol sa reklamong ito ni maggie.
September 2021, inanunsiyo nina Maggie at Victor ang desisyon nilang maghiwalay matapos ang halos 11 taong pagsasama.
Kandidata ng Miss Philippines Earth 2022, nadisqualify dahil sa kaniyang height
Na-disqualify sa pageant dahil sa kaniyang height si Miss Philippines Earth 2022 candidate Michele Angela Okol na taga Del Carmen, Surigao del Norte.
Sa Instagram post ng kandidata, kaniyang inanunsiyo na hindi na niya itutulak ang kaniyang sarili na abutin ang kaniyang pangarap na maging isang beauty queen.
Sinabi ni Michele na siya ay nagsumikap maging ang kaniyang pamilya at team para maitayo ang mga materials na kailangan sa naturang pageant pero nabalewala lahat ito dahil sa kaniyang height.
Dagdag pa ng kandidata, hindi pasok sa standard ng pageant ang kaniyang height at posible umanong ma-bash ang Miss Philippines Earth Organization kung hahayaan nilang makapasok ang mga gustong lumahok na mababa sa height na 5’4.
Iginiit din ng kandidata na hindi sila naabisuhan at nasukat ng maaga kaya hindi nila ito agad nalaman kung saan, nakahanda na sana siya para sa online at harapang kumpetisyon.
Sa kabila nito, pinasalamatan parin ni Michele ang naturang organisasyon sa pagkakataong ibinigay para sakaniya.
Jolina Magdangal at Nikki Valdez nag-camping kasama ang kanilang mga pamilya
Magkasamang nag-camping ang pamilya nina Jolina Magdangal at Nikki Valdez kung saan ibinahagi ng dalawa sa social media ang mga larawan at clips ng kanilang adventure trip.
Sa isang instagram posts, ibinahagi ni Nikki kung paano ipinaalala sa kanya ng kanilang recent trip ang kanyang pagkabata.
Sinabi pa ng 41-year-old actress na masaya siyang naranasan din ng kanyang mga anak na mag-camping.
Pinasalamatan naman ni Jolina ang kanyang asawa na si Mark Escueta sa pagtupad ng kanyang childhood dream.
Say pa ni Jolens, matagal niya nang gustong mag-camping at talaga naman aniyang nag-enjoy rin ang kanilang mga anak na sina Pele at Vika.
Alexa Miro, kumambyo hinggil sa real score ni Ilocos Norte 1st Rep. Sandro Marcos
Kumambyo ang aktres na si Alexa Miro hinggil sa isyung kumakalat sa social media na siya ang girlfriend ni Ilocos Norte 1st Rep. Sandro Marcos na anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Inilarawan ni Alexa ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Sandro kung saan, “magkaibigan” lamang sila.
Sinabi ni Alexa, na nagulat at naapektuhan siya sa natatanggap na pambabash mula sa mga netizen dahil first time niya itong naranasan.
Nilinaw din ng aktres na matagal na silang magkaibigan ng presidential son at “super close” lamang sila sa isat-isa.
Ayon kay Alexa, wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil alam niya kung sino siya maging nang mga taong nakakakilala sakaniya.
Matatandaan sa unang naging pahayag ni Alexa, kaniyang inamin na ipinaglaban pa nila ang kanilang pagmamahalan nang tahimik at malayo sa isyu kung saan, tumulong pa ito sa pangangampanya ni Sandro noong nakaraang eleksiyon.
Going strong pa din ang kapamilya couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil matapos maispatan ang dalawa na magka-holding hands sa loob ng isang kilalang beauty clinic.
Sa isang video na ibinahagi ng celebrity doctor na si Hayden Kho sa Instagram, makikita ang couple na nagtatawanan at sweet na sweet sa isa’t isa.
Nabatid na nagtungo ang dalawa sa beauty clinic upang sabay na magpa-treatment.
Matatandaang umugong ang isyung hiwalay na ang LizQuen na agad namang pinabulaanan ni Liza.