Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

JULIA BARRETO

Ginulat ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang fans sa pamamagitan ng kanyang lingerie pictorial.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng 25-year-old actress ang serye ng kanyang sultry photos, kung saan ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang si ”Candy.”

Bahagi ito ng pag-promote ni Julia sa kanyang bagong pelikula na Expensive Candy, kung saan tampok din ang aktor na si Carlo Aquino.

Umani naman ng positibong reaksyon ang post ni Julia mula sa kanyang kapwa celebrities gaya nina Kylie Versoza, Ruffa Guttierez at Mariel Padilla.

Mapapanood sa mga sinehan ang ‘Expensive Candy’ sa September 14.

August 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LOISA LARS

Muling iginiit sa publiko ni Loisa Andalio na hindi siya nagparetoke o kahit anong plastic surgery sa kaniyang katawan.

Ayon kay Loisa, wala siyang pinabago at hindi totoo ang kumakalat na balita sa social media dahil sadyang malaki lang ang pinagbago ng kaniyang katawan, at mukha.

Iginiit pa ni Loisa na wala siyang balak magpabago ng pangangatawan dahil masaya nasya sa kung anong meron siya ngayon.

Samantala, matapos naman ang Sex Reassignment Surgery sa Thailand, aminado si Miss Q&A 2018 second runner-up Lars Pacheco na expensive ang pagpapabago ng kasarian.

Sa Facebook live ni Lars, kaniyang sinabi na napakihirap ang ginawang operasyon o procedure sakaniya para maging isang ganap na babae.

Ayon sa Beauty Queen, Penile Peritoneal Vaginoplasty (PPV) ang kaniyang napili na isagawa ng Kamol Cosmetic Hospital sa Thailand na pinaka-major surgery na ginawa sa kaniyang buhay.

Dagdag pa ni Lars, ito rin ang pinakabongga at pinaka-expensive na surgery na kaniyang pinaggastusan na nagkakahalaga ng halos P1-M.

August 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ejay falcon jana roxas

Engaged na ang aktor at Oriental Mindoro Vice Governor na si Ejay Falcon sa kanyang girlfriend na si Jana Roxas.

Nag-propose si Ejay sa kaarawan ni Jana kung saan, naroon ang kanilang mga pamilya, kabilang sina Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor at kanyang asawa na si Hiyas.

Una nang ibinahagi ni Ejay na nakilala niya ang kanyang nobya sa isang housewarming party sa Pansol, at ngayon ay anim na taon na silang mag-jowa.

Noong 2017 ay kumalat ang isyu na nagpakasal na ang dalawa ngunit kapwa nila ito pinabulaanan.

August 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SARAH G ATTY WOO

Muling tinangkilik ng mga Pilipino ang “Unforgettable” movie ng singer-actress na si Sarah Geronimo na ginawa ng VIVA Films noong 2019.

Ito ay matapos gawan ng “comparison video” ng Netflix Philippines ang pelikula ni Sarah at ng bagong kinagigiliwang movie ngayon ng mga netizen mula sa korean drama series na “Extraordinary Attorney Woo” na pinagbidahan naman ni Park Eun-Bin.

Matatandaang noong Agosto a-9, naglabas ng video clips ang Netflix mula sa eksena ng movie nina Sarah at Eun-Bin na sinasabing parehong may Autism Spectrum Disorder ang kanilang karakter na ginampanan.

Bukod pa dito, mapapansin din na parehong may bangs ang mga papel na binigyang-buhay nina Sarah at Eun-Bin.

Dahil dito, muling pinapanood sa streaming channel ang Unforgettable, na isang Original story at maipagmamalaki ng mga Pilipino na nauna lamang ng tatlong taon sa Extraordinary Attorney Woo na kapwa namang nabigyan ng hustisya ang mga karakter ng dalawang aktres.

August 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VICENTE TITO SOTTO SENATE PRESIDENT

Itinuturing ni Dating Senate President Vicente Sotto III na pinakamahusay na pangulong hindi nagkaroon ang Pilipinas si Fernando Poe Jr. (FPJ)

Sa instagram tribute post ni Tito Sen para sa kaarawan nang pumanaw na si FPJ kahapon nagpost ng pagbati para sa batikang aktor na may caption na happy birthday in heaven the best president we never had.

Matatandang si FPJ ay na kinikilala bilang King of  the Philippine Movies ay nasawi noong December 2004 sa edad na 65 habang si Sotto naman  ay nagsilbing campaign manager nito  noong Presidential Elections noong 2004.

August 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BELLA POARCH

Hindi napigilan ni Bella Poarch na maging emosyonal sa pagiging proud na mairepresenta ang Pilipinas, at ihayag ang kanyang pagnanais na makauwi ng bansa.

Ayon kay Filipina social media sensation at American Singer Bella, na labis nyang ikinagagalak na mapabilang sa mga naglalagay sa mga pilipino sa international stage.

Isandaang porsyentong purong dugong Pinoy si Bella na taga-Pangasinan, at sanay sa bukid bago magtungo at mag-migrate sa Estados Unidos sa edad na 14.

Nagdesisyon si Bella na sumali sa US Navy nang 17- anyos upang hanapin ang kanyang sarili.

Ibinahagi din nito ang mga naranasan noong pang-aabuso na masasalamin sa kanyang mga awitin.

Aminado si Bella na madalas nyang nami-miss ang kanyang pamilya dito sa pinas kasabay ng pananabik na muling matikman ang mga pagkaing Pilipino.

Naging emosyonal naman ang TikTok star nang sabihin nito na talagang mahal na mahal nya ang Pilipinas at proud syang irepresenta ang mga Pilipino sa world stage.

Mayroong 91 million TikTok subscribers si Bella at kinilala bilang Most Liked Video Platform at 3rd Most Followed Individual sa TikTok.

August 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LOVI POE - FAULT

Cover ng Los Angeles-based magazine na FAULT ang kapamilya actress na si Lovi Poe.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang ilang mga larawan, kung saan suot niya ang iba’t ibang outfit.

Ibinida ni Lovi ang isang cowgirl look, isang blacked webbed gown ni Gomez-Garcia, isang black leather bikini at jacket, at isang black bikini set na may mga harness.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging cover ng isang Los Angeles-based magazine si Lovi dahil noong July 2021 ay siya rin ang nasa cover ng Now Magazine.

August 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALBIE CASIÑO

Kung ang ilang celebrities ay napipikon kapag inihalintulad ang kanilang mukha sa isang hayop, bagay o ibang personalidad, ibahin niyo si Albie Casiño.

Ito ay matapos sakyan ng aktor ang trip ng mga netizens na kamukha niya ang nag-trending na larawan ng pusa sa social media.

Ayon kay Albie, iba na ang pinatutunguhan ng biro dahil kakaibang saya na ang idinudulot nito sa lahat.

Hindi naman mapigilan ng aktor na makisali sa tawanan, kaya pinalitan niya ng larawan ng nasabing pusa ang kaniyang profile picture sa Instagram.

Sa ngayon, umani na ng mahigit 85,000 reactions, higit 5,000 comments at 21,000 share ang nasabing Facebook post.

August 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DONNALYN BARTOLOME

Hindi na nakapag-pigil ang content creator at singer na si Donnalyn Bartolome sa pambabatikos ng kaniyang mga basher.

Sa facebook post ng Youtube vlogger, sinagot niya ang naging reaksiyon ng mga tao sa kaniyang ginawang video vlog na “kanto-themed” birthday party.

Ayon kay Donna, nagpakatotoo lang siya at wala siyang ginawang mali sa kaniyang naging content dahil ipinakita lamang niya ang kaniyang mga naranasan sa pagkakaroon ng mahirap na pamumuhay.

Sinabi pa ng vlogger na naging proud lang siya dahil naranasan niya ang buhay mahirap maging ang pagiging mapangmata ng mga taong nakapaligid sakaniya.

Dagdag pa ni Donna, gusto niyang ipakita sa mga tao ang Filipino culture na talagang nakasanayan na tuwing may handaan.

Bukod pa dito, nais din ni Donna na iparating sa mga tao kung ano ang kaniyang mga naranasan at naging paghihirap sa pagtatrabaho para makamit ang marangyang buhay.

August 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VICE GANDA - ION

Sumagot na ang komedyanteng si Vice Ganda kaugnay sa kumakalat na isyu na hiwalay na sila ng kaniyang partner na si Ion Perez.

Ito ay matapos sabihin ng ilang netizens na hindi magtatagal ang Vice-Ion loveteam dahil itinuturing na breakup year ang 2022.

Say ni Vice, masaya sila ni Ion bilang mag-jowa at pamilya kaya hindi dapat maging chismosa ang mga netizens at gumawa lagi ng tsismis.

Sa Oktubre magdiriwang ng ika-4 na anibersaryo sina Vice at Ion kung saan noong October 2021 ikinasal ang dalawa sa Las Vegas.

August 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest