Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

BRITNEY 2

Matapos ang anim na taon, naglabas muli ng awitin ang American singer at dancer na si Britney Spears.

May pamagat ang kaniyang debut song na ‘Hold Me Closer’, ka-duet ang british music legend na si Elton John.

Labis naman ang kasiyahang ibinahagi ni Britney sa kaniyang Twitter account matapos makapaglabas muli ng awitin at makasama pa ang isa sa classical men ngayon.

Noong 2016 huling naglabas ng album si Britney sa pinamagatang Glory, bago ito sumailalim sa conservatorship arrangement sa pagitan ng kaniyang ama na kumontrol sa kaniyang buhay ng 13 taon.

August 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Kinaaliwan ng netizens ang picture ng aktres at model na si Jane De Leon.

Makikita kasi sa facebook post ng aktres  ang larawan kung saan tulog ito sa isang kotse at bahagyang naka-nganga.

Nakalagay rin kasi sa kaniyang caption na “napapagod din po si Darna” na may haha at peace emoji.

Si De Leon ay isa sa mga kilalang bagong aktres at modelo sa bansa at naging miyembro rin ng girl group na Girltrends.

Ginagampaman din ngayon ni De Leon ang karakter na si Narda sa teleseryeng “DARNA” ng ABS-CBN.

August 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
twai

Balik spotlight na ang K-POP group na twice matapos ang dalawang buwang pahinga.

Inilunsad ng twice ang kanilang comeback music video na “Talk Talk Talk” o T-T-T kasabay na ika-11 nilang extended play (E.P.) na “between 1&2.”

Makikita sa mv ang mga petsang may kinalaman sa mga milestone na na-achieve ng grupo maging ang mga kantang isinulat ng ilan sa kanilang miyembro.

Kabilang sa inilabas na album ng twice ang basics, trouble at gone at when we were kids.

Ito rin ang huling proyekto ng lead dancer, lead vocalist, at center ng grupo na si Im Nayeon (Im Na-Yon) bago ang naging solo debut nito noong hunyo.

Nabuo ang naturang grupo noong 2015 sa ilalim ng jyp entertainment na tinawag pang “Nation’s Girl Group”.—sa panulat ni Hannah Oledan

August 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
joshua garcia ig

Who’s that girl?!

Ito ang tanong ng maraming netizens matapos isang larawan ang ini-story ng aktor na si Joshua Garcia sa kaniyang Instagram account.

Sa nasabing larawan kasi makikitang nakasuot ng face mask ang babae kaya hirap itong kilalanin ng mga netizens.

Ilang netizens naman ang nagsabi na ang babaeng kasama ni Joshua ay si Maja Salvador o si Hidilyn Diaz na hindi naman sinagot ng aktor.

Matatandaang una rito, na-link ang aktor sa youtube vlogger na si Bella Racelis o mas kilala bilang “That’s Bella”.

August 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SANDARA PARK

Nagpositibo sa covid-19 ang Korean singer-actress na si Sandara Park matapos makaranas ng panginginig at pananakit ng katawan.

Bukod pa dito, nakararanas din ng pananakit ng leeg at lalamunan ang singer kaya kinailangan muna nitong magpahinga.

Ayon sa isang Korea media outlet, kinansela na ang lahat ng schedule ni Dara na ngayon ay naka-quarantine na at patuloy na nagpapagaling.

Samantala, nagpasalamat naman ang former 2NE1 member matapos bumuhos ang mga mensahe mula sa kanyang mga Filipino fans.

August 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HERLENE BUDOL - DARNA

Fierce and powerful ang peg ni Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Nicole Budol sa kanyang 23rd birthday photo shoot.

Nag-ala Darna kasi si Herlene  na hango sa kanyang idol na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na naging Darna rin noon.

Sinabi pa ni Herlene na natupad na ang pangarap niya na makapagsuot ng Darna costume sa kanyang kaarawan.

Pinasalamatan naman ng beauty queen ang kanyang mga pamilya, kaibigan, fans at kanyang manager sa pagsuporta ng mga ito sa kanyang birthday celebration.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 108,000 views ang ”Hipon as Darna, Marian Rivera version” vlog ni Herlene na mapapanood sa kanyang Youtube channel.

August 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANGELICA PANGANIBAN

Kinagiliwan ngayon ng mga netizens ang ibinahaging maternity shoot ng aktres na si Angelica Panganiban.

Ito ay matapos blooming na surpresahin ng aktres ang lahat sa suot nitong flowy dress na kulay pula at puti at nakasakay pa sa isang yacht.

Caption ni Angelica sa kaniyang instagram post, Sails Up! Happines is on the way.

Agad namang nagkomento rito ang partner ni Angelica na si Gregg at tinawang pang ‘Hot’ Mamma’ ang kaniyang love of life.

Maliban dito, ilang celebrities din ang bumati sa aktres tulad nina Bea Alonzo, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez, Camille Prats, Maris Racal, Glaiza De Castro, at Cherry Pie Picache.

Noong marso isinapubliko ni angelica ang kaniyang pagbubuntis na magwe-welcome ng isang baby girl.

August 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SHARON CUNETA

Nagluluksa pa rin si Megastar Sharon Cuneta sa pagpanaw ng kaniyang matalik na kabigang si Cherie Gil.

Sa Instagram post ng singer-actress, kaniyang ibinahagi ang masasayang ‘throwback’ pictures kasama si Cherie.

Ayon kay megastar, halos kalahati ng kaniyang buhay ang nawala mula nang namatay ang kaniyang kaibigan.

Sinabi ni Sharon na magtatatlong linggo na rin mula nang namatay si Cherie pero pakiramdam niya ay parang kahapon lang ito lumisan.

Nabatid na naging magkatrabaho ang dalawa sa isang classic film na “Bituing Walang Ningning” kung saan sumikat ang linya ng actress na, “you’re nothing, but a second rate, trying hard, copycat!”

Matatandaang pumanaw si Cherie noong Agosto a–5 dahil sa sakit na endometrial cancer.

August 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KYLIE GERALD

Itinanggi ng aktres na si Kylie Padilla ang kumakalat na balitang siya ay nabuntis ng aktor na si Gerald Anderson.

Kasunod ito ng cut-to-cut videos na in-upload ng unknown users sa TikTok at YouTube kung saan, ipinakita ang mga baby bump photo at mga picture ni Kylie na kasama si Gerald sa Switzerland.

Dahil dito, umugong din ang balita na si Kylie ang umano’y dahilan ng pagkakalabuan ng relasyon nina Gerald at Julia Barretto.

Ayon kay Kylie, “fake news at walang katotohanan” ang kumakalat na isyu dahil magkaibigan lamang sila ni Gerald.

Iginiit ng aktres na “super professional lang ang kanilang relationship and nothing else!”

Aminado naman si Kylie na nababahala siya sa kumakalat na isyu dahil baka may maniwala at bigyan ng malisya ang litrato nila ni Gerald kung saan, may shooting umano sila para sa upcoming film nila na unraveled.

August 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RUFFA GUTIERREZ

Ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram post ang kanyang pagtatapos sa kursong Communication Arts mula sa Philippine Women’s University (PWU).

 Nagtapos si Gutierrez sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

 Pinasalamatan naman nito ang ETEEAP team ng PWU para sa kanilang suporta gayundin ang kaniyang mga mahal sa buhay.

 Dagdag ni Gutierrez, siya ngayon ay kumukuha ng master’s degree sa parehong kurso. – sa panulat ni Hannah Oledan

August 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest