Naniniwala si Vice President Leni Robredo na dapat gamitin ng pamahalaan ang mga career diplomat para ayusin ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, dapat gamitin ng pamahalaan ang lahat ng resources nito upang maresolba sa lalong madaling panahon ang problema sa Kuwait.
Inilarawan ni Robredo ang mga career diplomat ng DFA na mga propesyunal, subok ang kakayahan at maaasahan sa pagresolba sa mga gusot sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.
Maliban sa seguridad sa trabaho, nangangamba rin so Robredo para sa kaligtasan ng mga OFW na maaaring malagay sa alanganin kung magpapatuloy ang iringan ng Pilipinas at Kuwait.