Opisyal nang idideklara bilang isang santo ng Simbahang Katolika si Carlo Acutis ngayong araw, Setyembre a-siyete, sa pamamagitan ng canonization rites na pangungunahan ni Pope Leo the Fourteenth sa St. Peter’s Square.
Si Acutis ang kauna-unahang Italian millennial saint. Kilala siya bilang “cyber apostle” at “God’s influencer” dahil sa paggamit niya ng internet at computer skills upang ipalaganap ang pananampalataya, kabilang na ang paglikha ng online exhibition ng mga eucharistic miracles.
Kinilala ng Vatican ang dalawang milagro na iniuugnay sa kanyang intercession: ang pagsagip sa isang batang Brazilian mula sa rare pancreatic malformation at ang paggamut sa isang estudyante mula Costa Rica matapos ang malubhang head injury.
Una nang itinakda ang canonization ni Acutis noong April 27 ngunit naantala matapos pumanaw si Pope Francis noong April 21 ng kasalukuyang taon.
Ang pag-canonize kay Carlo Acutis ay itinuturing na makasaysayan dahil nagbibigay ito ng bagong mukha ng kabanalan sa makabagong henerasyon.
—sa panulat ni Jasper Barleta