Isinantabi na ng militar ang anggulong pananabotahe sa nangyaring pagsabog sa ammunition depot ng Philippine Army sa loob ng Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan De Oro City noong Lunes.
Gayunman, sinabi ni 4th Infantry Division Public Affairs Office Chief Major Francisco Garello Jr. na nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat sa naturang insidente.
Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon na sunog ang naging sanhi ng pagsabog sa gusali kung saan nakaimbak ang mga bala at mga armas.
Nananatili aniya sa evacuation center sa kampo ang mga evacuees habang nagpapatuloy ang clearing operation.
Tinatayang nasa 61 pamilya o katumbas ng 327 individuals ang inilikas mula sa 500-meter radius ng ammunition depot. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)