Sinimulan nang baklasin ng mga lokal na pamahalaan ang mga campaign poster sa kanilang lugar.
Sa Sangandaan, Rizal Avenue sa Caloocan City, inumpisahan nang alisin ang mga poster sa mga pader at poste.
Gayundin sa Valenzuela City, kung saan pinagtatanggal na rin ang iba’t ibang paraphernalia sa mga pampublikong lugar at gilid at tabi ng polling precincts.
Mababatid na nagbigay ng tatlong araw ang Department of the Interior And Local Government (DILG) sa lahat ng local government units at mga kandidato para alisin ang lahat ng campaign waste materials sa kanilang nasasakupan.