Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga halal na opisyal, maging ang mga natalo sa halalan, na labag sa batas ang pagtanggap ng campaign donation o contribution mula sa mga indibidwal o grupong may kontrata o proyekto sa pamahalaan.
Ito, ayon kay Comelec chairman George Garcia, ay alinsunod sa Omnibus Election Code, partikular ang Article 95, Section C nito.
Tugon ito ng poll body matapos lumabas sa statement of contributions and expenditure ni Senate President Francis Escudero na tumanggap ito ng 30 million peso campaign donation mula sa Centerways Construction and Development na pag-aari ng kanyang kaibigang si Lawrence Lubiano.
Kabilang si Lubiano sa top 15 contractor nakakakuha ng mga proyekto sa D.P.W.H., partikular ang kinukwestyong flood control projects.
Gayunman, tumangging magkomento ni Garcia kaugnay sa kinakaharap na issue ni Escudero.