Handa umano si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Manuel Antonio Tamayo na maghain ng Leave of Absence sakaling pagdudahan ng investigating team hinggil sa aberya sa Air Traffic Management System (ATMS).
Sa gitna ito ng panawagan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na lumiban muna si Tamayo kasama ng ibang opisyal ng CAAP na may kinalaman sa operasyon at pamamahala ng NAIA, partikular sa sumablay nitong ATMS.
Ayon kay Tamayo, kung kailangang mag-leave siya ay kanya itong gagawin upang hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon.
Kakausapin rin aniya ng opisyal si Transportation secretary Jaime Bautista kaugnay sa kanyang Leave of Absence. —sa panulat ni Hannah Oledan